Tuesday, December 27, 2011

                     
   “KAYLAN MAN AY HINDI KO INAKALA…”
   Ni: Darhyl John B. Cacananta

“ang lahat ng bagay ay may magandang dahilan…”
Ang salitang ipinahayag kong ito marahil ang salitang maaari kong maibubulas at maibigay na salita sa aking sarili sa tuwing aking iniisip kung bakit naganap ang lahat ng magaganda at makabuluhang pangyayari sa aking buhay kasama ang mga kapwa ko opisyales ng CED-SC.

Tunay na mahirap sapagkat kaylangang pagsabayin ang pag-aaral at ang responsibilidad bilang isang LIDER…at bahagi nang pagiging isang istudya at lider sa MAGKAPAREHONG PANAHON ang pagliban sa mga kasiyahan kasama ang mga kaibigan sapagkat kaylangang paghandaan ANG ibang bagay na mas importante kaysa sa MAGLAKWATSA AT MAGSAYA PANSAMANTALA…

Ngunit magpasaganuon pa man ay  NAGING MASAYA ako dahil nakilala ko si ANNALYN GACUTAN na nagsilbing kaagapay ko sa paghikayat sa mga batang kabahagi n gaming PAMILYA upang magkaroon ng dedikasyon sa paggawa ng mga trabahong nakaatang sa kanilang mga  BALIKAT. FREND alam ko na masakit para sa iyo ang nangyari kaylan lang pero naniniwala ako na kaya mong pagtagumpayan iyan…

Si GEMIMA PASCUA na nagsilbing imahe ng KAHINHINAN sa kabila ng mga hirap ka kaniyang dinadanas dahil sa mga gawaing nakalaan para sa kanyang posisyon. GAMZ alam ko na malaki rin ang nagbago sa iyo sabi ko naman sa iyo magiging masaya tayo sa loob n gating PAMILYA. May mga pagsubok na susubok a iyong katatagan subalit huwag kang magpatalo bagkus ay gawin mo itong dahilan upang ipagpatuloy pa ang laban na mayroon sa iyo sa kasalukuyan…

Si JULIUS PRONTO na noong una ay takot na magkaroon ng lugar sa pamilya, alam ko na mayroon talagang bagay na kinatatakutan tayo subalit masaya ako dahil ang takot mo na magkaroon ng bahagi sa pamilya ay tinanggal mo. Natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko kung ano ang mukhang mayroon ka pagkatapos nang pangyayari na nkanasan niyo nila mean at sha. Tunay na natakot ka siguro subalit alam ko na makatutulong iyon sa iyo sa susunod pangpanahon sa iyong buhay dahil nagawang tanggapin iyon. Ipagpatuloy mo lang ang pagpaabot sa iyong mga pangarap…

Si BRIAN MEDINA na naging kaagapay ko maraming bagay, tunay na mahirap ipaliwanag subalit alam ko na alam mo rin brian kung bakit ninais ko na maging bahagi ka rin ng pamilya. Isa sa mga dahilan marahil ay dahil sa nakita ko rin kung ano ang mga kapasidad at kakayahan na magiging kapakipakinabang sa ating pamilya. Isa ka rin sa mga Kaibigan namaituturing ko,tunay na hindi tayo magsasabay nila annalyn subalit makakaya niyo yan sapagkat ang hamon ay bagay na magpapatibay sa ating lahat…

Si JAMES REY MATA na naging isa narin sa mga kabiruan ko at naghandog ng saya ating pamilya. MAMI salamat sapagkat sakabila ng mga pagkakaibang mayroon tayo ay nagawa mong makibagay sa lahat. Bilang kapwa mo ARTRES sa pelikulang AGAWAN BASE ipagpatuloy lng natin ang samahan na mayroon tayo upang patuloy nilang subaybayan ang mga tagpo sa ating pelikula…HANGAD KO ANG KABUTIHAN SA IYO AT SA IYONG PAMILYA…

Si JULIUS CUDIAMAT na siyang TAGAKABOG sa aming pamilya pa minsan-minsan patok ang mga kabog line mo … hahaha… alam ko na malayo ang iyong mararating at sa kabila ng uri nang pamilya na mayroon ka ngayon. Sinasabi ko sayo na manatili kang mabait at iwasan ang pagsagot sa… mo… alam mo na iyon mrahil.

Si SHARINA LAUREANO na kung minsan ay nakikita kong malungkot subalit masayahin… magkasalungat subalit nais ko lang linawin sa iyo sha na ang pangyayari na naranasan niyo nila Julius p. at mean ay parte ng pagiging bahagi ng ating pamilya… salamat dahil alam ko na mahirap ang uwian subalit pinipilit mo parin ang dumalo sa kabila ng sabon na ibinibigay sayo pag-uwi mo ng bahay. Ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan at makararating  ka rin sa nais sa mong patunguhan…

Si JOHN DENVER LUQUIAS na isang napakamasayahin bahagi ng pamilya…sabi ko nga nakikita ko sa iyo ang aking sarili ng mga panahong nakalipas kung kaya’t nawa ay ipagpatuloy niyo ang ating nasimulan SUBALIT huwag kakalimutan ang dahilan kung bakit tayo nasa lugar kung nasan tayo… ANG MAG-ARAL. Kaya’t sa lahat ng bagay na gagawin mo isipin mong lagi ang maliit na salitang iyon at nasisiguro ko sa iyo na kakayanin mo mapagsabay ang lahat ng nais mong magawa …

Si JOSEPH VILLARAMA alam ko na mahirap ang pagsubok na mayroon ka ngayon subalit huwag kang papatalo bagkus ay magpatuloy ka sa pagtahak sa iyong landasin at abutin ang iyong mga pangarap sa buhay… natitiyak ko na kaya mong pagtagumpayan iyan… bilang pinakabata sa pamilya ikaw ang talagang tiniyak ko gabayan sapagkat nais ko na mahubog ka sa larangan na kinalalagyan natin sa ngayon. At hindi nga ako nabigo sapagkat hindi lamang dahil sa nais ko na mahubog kundi ikaw mismo ang gumawa ng paraan upang sa sarili mong paraan ang ay mangyari ang dati ay sinabi ko sa iyo… marahil ay alam mo na iyon…

Si Mary ANN MALLARI na itinuring kong katulad ng aking mga karanasan. Mean magkaiba tayo ng kalagayan subalit pareho ng nararanasan kung kaya nagkakaunawaan tayo… itinuring narin kitang kapatid na dapat ay gabayan tungkol sa bagay na alam mo na mean… alam ko na magiging masaya ka rin hindi man sa kanya kundi makakahanap ka rin tulad ng kaligayahang nahanap ko rin kamakailan lamang…basta kung may mga bagay na nagugulumihanan ka at kaylangan mo ng payo narito lang ako… HANDANG DUMAMAY AT SAKYAN ang pagiging EMO mo…

Si MARK GILL MERCADO na tunay na makulit at hindi ko mawari pero happy … alam ko na marami kang bagay na nais makamit sa buhay subalit ang masasabi ko lang sayo… HINDI BAWAL ANG MANGARAP subalit kaylangan mo rin na tukuyin kung ano ba talaga ang pinaka ninanais mo… sana ay gamitin mo ang lahat ng iyong natatagong kakayahan para sa ikauunlad ng lahat. Ipagpatuloy mo ang pagkilala sa kung ano ka at huwag hayaan na magkaroon ka ng sarili mong mundo.

Si CHRISTIAN GURTIZA na noong una ay talaga hindi ko nanakala na magulo rin pala ang akala ko dati maiilang ka subalit masaya ako dahil hindi mo inilayo ang iyong sarili bagkus ay ibinukas mo ang iyong sarili para sa ating pamilya. Hangad ko ang iyong kaligayahan kaya SUPPORT LANG AKO SAYO GURTIZA.

At higit sa lahat ang nakasasawa at nakauumay na pangalan KRISTINE BERNADETH FRANCISCO. Nakauumay at nakasasawa dahil simula ng tumungtong ako sa KOLEHIYO NG EDUKASYON ay lagi ko ng naririnig ang pangalan na iyon subalit magpasaganuon paman ay talagang hanga din ako sa iyo baduths dahl nakipagsabayan ka rin sa lahat ng bahagi ng pamilya natin at tinanggap mo ang pagkakataon na makasama ka namin sa pamilyang mayroon tayo ngayon. Alam ko na marami na tayong karanasan na magkasama dahil isa ka rin sa mga ISPIRIBAMBA.

 Nais ko rin na ipabatid ang walang mapagsidlang pasasalamat kay SIR FRANCIS ALBERT MENDOZA sa kaniyang walang sawang pag-agapay at pagsuporta sa amin. Nawa po ay magpatuloy kayo sa pagiging mabait, maunawain at maalalahanin. hangad po namin ang inyong kaligayahan sampu ng aming pamilya... 
        
       SALAMAT CED-SC OPISER 2011-2012 tunay na hindi matatawaran ang mga karanasan na naranasan nating magkakasama…kayo ay maituturing kong isa sa mga PINAKAMAHALAGANG KAYAMANAN NA MAYROON AKO! Kaya nga masasabi ko na talagang ANG LAHAT NG BAGAY AY MAY MAGANDANG DAHILAN… tulad nang bagay na pinagtagpo-tagpo tayong lahat para sa iisang layunin, ang mapaunlad hindi lamang ang ating sarili kundi maging ating kapwa…

Monday, December 26, 2011



“Magkabilaan ang mundo”
Ni Darhyl John B. Cacananta

“Pagkakaiba ay mayroon sa lahat.”
                Tama at mali, ilalim at ibabaw, liwanag at dilim, tubig at apoy, lupa at langit, malakas at mahina, mahirap at mayaman, may puti at may itim. Ilan lamang ito sa mga magkasalungat na parilalang nagpapakita ng pagkakaiba na binanggit sa loob ng kanta ni Joey Ayala. Sinasabi lamang ng kanta na may dalawang mukha ang mga bagay sa lipunan ng tao. At ang dalawang mukha na ito ay nakabatay sa iyo bilang isang kabahagi ng lipunan kung saan ka papanig at lulugar. Ito ba ay sa baluktot at marungis na gawain o di kaya naman ay sa tuwid, malinis ngunit iilan lamang ang pumipili.
                Pagkatapos kong maringgan ang mga sambitla na ipinahayag ng kanta ay natanto ko na ang kanta ay nakatuon sa pagpapakita ng panlahat na larawan sa ating buhay at maging ng ilan sa mga kalagayang kinatatayuan ng maraming mga Pilipino. Ito ay ang pagiging “API”.
                Panahon pa lamang ng mga mananakop ay tinawag nang api ang mga Pilipino. Sapagkat sila ay ginawang manggagawa sa sarili nilang lupa. Ang mga kastila, hapon at iba pang-banyagang lahi ay naglakbay patungo sa Pilipinas na kung tutuusin sana ay sila ang magmimistulang alipin sa ating lupain subalit hindi ito ang naganap.
                Tinawag na mga “INDIYO” ang mga Pilipino, inalipin, kinawawa at kinulong sa sarili nitong bansa.
                Subalit kung sasalaminin naman natin ang kalagayan natin sa ngayon, hindi na tayo masasabing “ALIPIN NG MGA BANYAGA”. Sapagkat malaya na tayo mula sa pang-aalipin ng alinmang lahi. Bagkus ay “ALIPIN NA TAYO NANG SARILI NATING MGA AMBISYON”. Ambisyon na umangat subalit kulang naman sa gawa. Sapagkat nakalulungkot man na isipin. Ang ating bansa ay nakabila 3rd WORLD COUNTRY na magsisilbing indikasyon na sa kabila ng pagpupunyagi ng ilan na tayo umunlad, kabaligtaran nito ang nagagap. Ito marahil ay dahil sa mga negatibong katangian ng mga Pilipino tulad ng NINGAS KUGON na sa umpisa lamang ang pagpupunyagi subalit sa paglipas ng panahon ay maghihinto sapagkat ang  katamaran ay gagana. BAHALA NA HABIT na nagpapakita naman ng kawalang kamalayan at pakialam ng mga Pilipino sa maraming bagay. At ang pinakamasaklap sa lahat ay ang laganap na KURAPSYON hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa maraming bagay. Krimen at prostitusyon ay laganap rin sa lipunang Pilipino na magiging larawan ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa kasamaan.
                Subalit magpasaganuon pa man ay ipinakita pa rin ng kanta na mayroon pa ring naghihintay na pag-asa sa kabila ng lahat. Sa kabila ng mga bagyo, pagsubok, pighati, kabiguan at pagkakasadlak na dinanas ng lipunang Pilipino ay mayroon pang naghihintay na MAGANDANG BUKAS. Ngunit magaganap lamang ito kung sa ngayon pa lamang ay mamimili na tayo ng dapat nating kalagyan. Ito ba ay sa kanan o kaliwa, sa tuwid o baluktot na gawa, sa malinis o marungis na sistema ng pamamalakad, sa masagana o naghihikahos na lipunan.
                Ang kanta ay nag-iwan ng hamon sa lahat ng makapapakinig nito. At nakabatay na lamang sa kaninuman ang pamimili. Sapagkat ang “Pagkakaiba ay mayroon sa lahat.” At nakabatay na lamang sa iyo kung saan ang mas maganda batay sa iyo.


Tuesday, December 6, 2011





IPAGPAUMANHIN MO!
Sadyang kaysaklap kung aking iisipin. Subalit ano nga ba ang aking magagawa, eh!!! Sa iyon nga ang pagyayari. Wala akong dapat na pagsisihan sapagkat sa kaunting panahon ay naging masaya ako sa piling mo. Nalaman ko ang mga bagay na dati ay lingid sa aking payak na kaalaman. Isa lamang ang sa ngayon ay natitiyak ko sa iyo. Ito ay ang ibalita sa iyo at ipagsigawan ko sa buong mundo o maging sa labas pa ng daigdig na sa puntong ito ng aking buhay na papalapit na ang panahon ng pagsapit ng tuldok ng aking buhay ay MATATAG na ako hindi tulad ng dati nang ako ay iyong makilala. Ang taong marupok at madaling mahikayat.
Marahil ay tama nga sila sa kanilang sinasabi na hwag kang masyadong umasa na tutumbasan niya ang lahat ng mga ipinapakita at ibinibigay mo sapagkat walang permanente sa mundong ito. Darating ang araw at magiging marupok ang inyong nasimulan. Kapag dumating ang araw na iyon ay unti-unting guguho ang inyong naitayong mumunting karanasan.
Oo tama nga sila na dapat hindi kita masyadong pinag-aksayahan ng pagkakataon. Sapagkat sa kalagayan natin ngayon ay unti-unti ko na nang nakikita ang dati ay malabong pangyayari na kanilang pilit na idinidikta sa akin.
Sorry dahil naging marupok ako, MARUPOK sa pagka baling ng panahon ko sa iyo.  MARUPOK dahil umasa ako na ang pagpapahalaga ko sa kung ano ang atin ng nasimulan ay iyo din namang pahahalagahan, at higit sa lahat naging marupok ako naumasang TAYO AY MAGTATAGAL. 

Monday, September 5, 2011

        Paano na kaya sa pagdating ng panahong tayo ay magkalayo na. Magawa pa kaya nating maging masaya habang tayo ay magkasama  at maging malungkot dahil maytampuhan  o di kaya naman ay dahil sa dala nating problema. 
         
         Magpasaganuon paman ay nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ko, pagsubok na pinagdaanan mo at pagsubok na pinagdaanan nating dalawa ay hindi tayo nag-iwanan sa isa't-isa. Bagkus ay SINAMAHAN MO AKO sa paghanap ng mga solusyon sa mga problema, TINULUNGAN MO AKO na mapalawak ang aking kaalaman dahil iyong ibinahagi ang iyong nalalaman patungkol sa aking mga katanungan, NAKIJOIN KA RIN SA AKIN sa mga gabi na kinakailangan kong magpuyat dahil kailangan ko ang mag-aral at gumawa ng mga gawaing dapat ihabol. TINABIHAN MO AKO  sa mga panahong walang nagnanais ng makipag-usap sa akin at hinahayaang ako ay mag-isa at higit sa lahat IKAW ANG YUMAKAP SA AKIN AT NAGBIGAY NG HALIK sa mga panahong nais ko nang magwala at lumaban gamit ang dahas dahil sa sama ng loob ko sapagkat alam mo na iyon lang ang tanging solusyon upang ako ay kumalma at manahinik. 
         Nakalulungkot sabihin na tayo ay maghihiwalay na sa loob na lamang ng sandaling panahon. Subalit natitiyak ko na ang lahat ng ating mga alaala ay maiiwan  sa akin. Ito man ay MASAYA o di kaya naman ay MALUNGKOT. 

salamat sa iyo PAMANTASANG-CLSU 
nagmamahal at lubos na nagpapasalamat...
DARHYL JOHN B. CACANANTA

Monday, August 22, 2011



Ang Alamat ng Okra

            Sa isang palasyo ay may anak ang hari na nagngangalang oka. Ang batang ito ay sadyang napaka sinungaling at napakapilyo. Ala siyang kasundo kahit na isaman sa mga alagad ng hari. Ang lahat sa kanya ay nanggagalaiti sa galit sapagkat ang mga ito ay nakaranas na nang kapilyohan ni Oka.
            Minsan ay nagkaroon ng sakit ang hari at ang lahat ay nag-alala sa kanyang sitwatsyon. Subalit ang batang si Oka ay walang pakialam at patuloy lamang sa paglalaro sa labas ng palasyo. Nagpatuloy si Oka sa paglalaro hanggang sa siya ay makarating sa gitna ng kagubatan. Sa kagubatan ay nakita niy si dyosa ng kagubatan kung saan ay matagal na siyang sinusubaybayan nito. Maging sa pang-araw-araw nitong gawain. Kinausap ng inkantada si Oka na kinakailangan niyang magbago sapagkat kung hindi siya magbabago ay parurusahan siya nito.
            Pagkasabi ng ingkantada ang salitang iyon ay bigla nalamang siyang naglaho at hindi malaman ni Oka kung saan ito nagpunta. Sakabi ng pananakot ng ingkantada kay Oka ay wala itong ginawa kundi nagpatuloy parin sa kanyang gawain.
            Ang mga araw ay lumipas at ang hari ay lumakas at nanumalik ang kaniyang kaniyang sigla. Subalit ganuon parin ang pag-uugali ni Oka. Isa parin siyang batang pilyo at sinungaling.
            Lingid sa kaalaman ni Oka ang ingkantada na kaniyang nakausap sa kagubatan ay ang kaniyang ama rin pala. Ito ay nagpanggap lamang na isang ingkantada upang takutin ang kaniyang anak subalit nagkamali siya sa kaniyang akala na magbabago nga ito.
            Kaya’t walang nagawa ang hari kundi ang patawan ito ng parusa. Ginawa ng hari si Oka na isang halamang gulay na may madulas at Makati. At tinawag niya itong Okra ang anak na hindi marunong magtanda at walang pagnanais na magbago.
WAKAS




Ang alamat ng Pitaya
(Legend of Dragon Fruit)
Ni: Darhyl John B. Cacananta

                Bario kung tawagin ang lugar nina Mang tasyo dahil sa kalayuan nito mula sa syudad. Ang mga bata sa paligid ay masaya kung sila ay nakakikita ng mga sasakyang ginagamitan ng motor sapagkat ang tanging sasakyan na kanilang nakikita ay ang mga sasakyang ginagamitan ng mga hayop tulad ng kalabaw, baka at kabayo upang ito ay makarating sa lugar na pupuntahan ng mga tao roon.
            Ang buong paligid sa bario ni Mang Tasyo ay mahirap abutin ng matinding sikat ng araw dahil sa taglay ng kapal na mga dahon na nakakapit sa matitibay na sanga ng mga ng ibat-ibang uri ng punong kahoy. Kayat sagana ang buong paligid sa ibat-ibang uri ng gulay, bungang kahoy at iba pang mga pagkaing naaani.
            Kung mayroon bagay na kapos ang lugar ni Mang tasyo ito ay ang sibilisasyon. At dahil sa kakulangan sa sibilisasyong ito ay maraming bagay ang hindi alam ng mga kababario ni Mang Tasyo tungkol sa mga pangyayari sa kanilang mga paligid. Kuntento na sila sa payak na paraan ng pamumuhay. Ito ay ang kumain ng tatlong beses sa maghapon, magtanim, umani at mamahinga. Sa mga gawaing ito lamang nakakulong ang buhay ng mga kababayan ni Mang Tasyo.
            Sa kabila ng mga pagiging liblib nang lugar na iyon ay pinipilit parin silang marating nmga dayuhan dahil sa angkin kagandahan ng lugar na iyon. Maging ang mga produktong kanilang naibibigay sa mga kapitlista ay dahilan rin upang paminsan minsan ay magkaroon ng mga byahero sa kanilang lugar. Ang produkto tulad ng kamoteng kahoy, kamoteng gapang, mga gulay, prutas at uling ay ilan lamang sa produktong inaangkat sa kanilang lugar. Ngunit kung ang pag-uusapan naman ay ang mga tanawin na dinadayo ng mga dayuhan sa kanila ay ang mga matatarik na bundok at ang napakaraming mga puno na tila hindi mapapabagsak ng gaanoman kalakas na bagyo dahil sa napakalaki ng mga ito. Maliban sa mga nabanggit, ang mga natatagong kweba sa lugar na kinalalagyan ni Mang Tasyo ay isa sa mga kinasasabikang pasukin ng mga dayuhan. Dahil sa loob nito ay makakikita sila ng isang batis na may mainit na tubig at ang tubig na iyon ay pinaniniwalaang nakagagaling. Bird's nest soup din ay makukuha sa loob ng kweba kung saan ito ay isa sa gustong gustong kainin ng mga dayuhan.
            Sa kabila ng dami ng mga dayuhan na pumaparoon ay dumarating rin ang panahon na halos walang mga dayuhan na pumaparoon sa lugar ni Mang Tomas. Kadalasan itong nagaganap  kung ang panahon ay tag-ulan. Sa panahong ito ay kinakailangang mag-imbak ng maraming pagkain ang mga tao sa lugar ni Mang Tasyo dahil ito ang tangi nilang kakainin sa loon ng panahong ang bagyo ay nananalanta.
            Dumating ang isang araw at dumating ang isang bagyong ganap na napakalakas dahil sa taglay nitong tubig at nakatatakot na lakas ng hangin. Ilang araw ang itinagal na nito sa bansang Pilipinas kaya’t ang mga alagang hayop at pananim ng mga tao sa lugar ni Mang Tasyo ay nangamatay. Halos wala na silang makain.
            Bago paman dumating ang bagyo sa lugar ni Mang Tasyo ay may isang dayuhang Doktor na nagbakasyon sa lugar na iyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napilitan siyang manatili sa lugar na kaniyang kinalalagyan upang matilain ang nagngangalit na bagyo.
            Dahil sa tagal ng bagyo bago umalis ay nagkaroon ng mga sakit ang mga tao sa lugar ni Mang Tasyo. Isang dalaga na nagngangalang Piya ang tumulong sa Doktor na iyon upang bigyang lunas ang mga karamdaman ng kaniyang kababayan.
            Ngunit dahil sa malayo ito sa syudad ay hindi maabot ng mga opisyal ng gobyerno na naghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Kaya’t walang ibang magawa ang doctor at si Piya na lumaki sa lugar na iyon ang gamitin ang mga herbal na panlunas lamang upang mapagaling ang kanyang mga kababayan.
            Nagsilbing bayani ang dalawa sa kanilang mga ginagawang pagpapagaling sa mga may sakit noong panahong iyon. Ngunit nakalulungkot isiping kasabay ng paglabas ng mga lahar na nagmumula sa bunganga ng Bulkang Pinatubo ay  unti-unting tumabon ang lupa ng bundok sa bahay na kinalalagyan ng dalawa sa isang bahay. Sinubuhan ng mga taong bayan na sila ay iligtas din ngunit sadyang masungit ang panahon at patuloy na rumagasa ang lupa patungo sa bahay na kinalalagyan ng dalawang bayani at maging ng ilan sa mga may sakit.
            Ganuon na lamang ang pasasalamat ng mga tao sa dalawa kaya’t parati nilang nilalagyan ng bulaklak ng mga halaman ang kinatabunan ng dalawa.
            Sa paglipas ng panahon ay nakakita sila ng isang kakaibang halaman sa lugar na kanilang pinaglalagyan ng bulaklak. Isa itong halamang may tinik at pahaba. Naniwala sila na ang halamang iyon ay bunga ng dalawang bayani na nagligtas sa kanila muna sa kamatayan. Kaya’t bilang pasasalamat ay inalagaan nila ito. Hindi nagtagal ay namulaklak ito ngunit bumubuka lamang sa gabi at madaling masira ng ulan. Ang akala ng mga tao ay isa lamang itong halamang namumulaklak. Ngunit nagkamali ang lahat sapagkat mula sa bulaklak nito ay nagkaroon ng isang maliit na ubod at sa paglipas ng mga araw. Ang ubod na ito ay lumaki at nagging isang malaking bilog a tila isang koronang kulay pula. Sinubukan nila itong pitasin at hinati nila ito sa gitna. Nakita nila na ito ay may nakaiigayang kaanyuan sapagkat ito ay may mga baltik baltik na tila mga buto. Sinubukan nila itong kainin at nalaman nila na nakapagpapaganda ng pakiramdam.
            Kaya’t ang paniniwala ng lahat sa lugar ni Mang Tasyo. Ang dalawang iyon ay sugo ng diyos upang sila ay iligtas sa kamatayan at mag-iwan ng isang biyaya na pahahalagahan nila sa tanan ng kanilang lahi. Ang halamang iyon ay ibinasi nila sa pangalan ng babaeng nakasama ng doctor sa pagpapagaling sa kanila si Piya. Kaya’t pinangalanan nila itong Pitaya. 

WAKAS


Ang Alamat ng Duhat

            Wagas ang pag-ibig ni Dudog at hatie sa isat-isa. Mula sa pagiging bata ay sila na ang matalik na magkaibigan at madalas na naglalaro. Subalit sa tuwing magiging masaya ang dalawa ay may palihim na nagagalit sa kasiyahan ng dalawa. Ngunit ang galit na ito ay lingid sa kaalaman ng dalawa. Kaya hindi nila alin tana ang lahat nang mga nangyayari sa paligid nila.
            Dahil sa bilis ng panahon ay tumuntong na ang dalawa sa kolehiyo at duon ay nakatagpo ng mas maraming mga kaibigan. Subalit sa kabila ng maraming mga bagong kaibigan na nakilala ay hindi parin nila nakalimutan ang pag-ibig nila sa isat-isa. Ang pag-ibig ni Dudong at hatie ay patuloy na umusbong at lumawig hanggang sa naipagtapat na nila sa kanilang mga magulang ang nararamdaman nila sa isat-isa.
            Dahil sa sila ay magkababata, hindi naging mahirap sa kanila ang pagkumbinsi sa kanilang mga magulang na sila ay ipakasal. Sa ilang panahon lamang ay naitakda na ang kasal ng dalawa.
            Isang gabi ay nagabihan si hatie sa pag-uwi sa kanilang bahay. Isang babae ang sa kanya ay sumalubong at nagwikang :
              Oras na ituloy ninyo ang inyong kasal ay hindi kau magiging masaya kundi ay pagsisisihan niyo na ginawa niyo ang bagay na ito.”
            Ganuon na lamang ang takot ni Hatie sa babaeng iyon kaya;t siya ay tumakbo hanggang sa mawala ang babaeng iyon. Subalit napakalaking tanong kay Hatie kung bakit siya binalaan ng ganuon ng babaeng iyon.
            Tinanung ni hatie si Dudong kung siya ba ay may inililihim sa kanya subalit wala masabi si Dudong.  Kaya’t sa halip na magsisihan sa nangyari ay ipinagpatuloy na lamang nila ang kanilang kasal.
            Kaagad na nagbuntis si Hatie at napakasaya nilang magasawa sapagkat ang lahat ay planado na nila. Bukod pa rito ay nakapag-ipon na rin sila sa kinabukasan ng kanilang magiging anak. Subalit isang pagkakamali ang kanilang inakala sapagkat ng gabing si Hatie ay manganganak na ay bila na lamang sumama ang panahon at tila may isang malakas na puwersa na nagmumula sa labas. Nagulat na lamang sila hatie at Dudong sa nakita ng nailuwal ang kaniyang anak. Ito ay hugis bilog walang paa at kamay tanging mukha lamang nito ang makikitang palatandaan upang sabihing ito ay tao. Napakaitim rin ng sanggol na ipinanganak ni Hatie. At ang nakalulungkot pa ay hindi nito kinayang mabuhay ng matagal. Ilang oras lamang ang itiagal niya at binawian na siya ng buhay.
            Dahil sa kagustuhan ni dugong na wag kumalat sa kanilang nayon ang balita ay dalidali niya itong ibinaon sa gitna ng kagubatan.
            Kinabukasan ay muli niyang pinuntahan ang lugar kung saan ay ibinaon niya ang paty na sanggol. Laking gulat na lamang niya dahil wala ng bakas ng hukay roon at may tumubong isang kakaibang puno sa lugar na iyon. Patuloy itong minasdan ni dudong hanggang sa ito ay namunga at isa itong napakaitim na bunga. Kaya’t pinangalanan nila itong duhat mula sa simula ng pangalan ng mag-asawa sapagkat sila ay naniniwalang ang kanilang anak ay ang punong iyon.
-WAKAS -