Monday, September 5, 2011

        Paano na kaya sa pagdating ng panahong tayo ay magkalayo na. Magawa pa kaya nating maging masaya habang tayo ay magkasama  at maging malungkot dahil maytampuhan  o di kaya naman ay dahil sa dala nating problema. 
         
         Magpasaganuon paman ay nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ko, pagsubok na pinagdaanan mo at pagsubok na pinagdaanan nating dalawa ay hindi tayo nag-iwanan sa isa't-isa. Bagkus ay SINAMAHAN MO AKO sa paghanap ng mga solusyon sa mga problema, TINULUNGAN MO AKO na mapalawak ang aking kaalaman dahil iyong ibinahagi ang iyong nalalaman patungkol sa aking mga katanungan, NAKIJOIN KA RIN SA AKIN sa mga gabi na kinakailangan kong magpuyat dahil kailangan ko ang mag-aral at gumawa ng mga gawaing dapat ihabol. TINABIHAN MO AKO  sa mga panahong walang nagnanais ng makipag-usap sa akin at hinahayaang ako ay mag-isa at higit sa lahat IKAW ANG YUMAKAP SA AKIN AT NAGBIGAY NG HALIK sa mga panahong nais ko nang magwala at lumaban gamit ang dahas dahil sa sama ng loob ko sapagkat alam mo na iyon lang ang tanging solusyon upang ako ay kumalma at manahinik. 
         Nakalulungkot sabihin na tayo ay maghihiwalay na sa loob na lamang ng sandaling panahon. Subalit natitiyak ko na ang lahat ng ating mga alaala ay maiiwan  sa akin. Ito man ay MASAYA o di kaya naman ay MALUNGKOT. 

salamat sa iyo PAMANTASANG-CLSU 
nagmamahal at lubos na nagpapasalamat...
DARHYL JOHN B. CACANANTA