Friday, March 11, 2011


“Tutubi”
Ni: Darhyl John B. Cacananta

Tutubi sa parang na lilipadlipad

Di alam kung saan ito mapapadpad

Sapagkat direksyon ay di mo matalos

Ang pagdapo niya ay di na matapos

Tuntong rito’t roon gang buong maghapon

Ngunit kung titingnan tutubi’y maysaya

Kayat mga bata ay nahahalina

Dahil sa taglay na likas nitong hitsura

Ibat-ibang kulay asul, berde’t pula

Maging ang mga laki ay magkakaiba

Tulad ng pag-ibig tong munting tutubi

Tuloy sa paglagag hanggang sa mahuli

Nang taong sa kanya ay nais manghuli

Ngunit di kaylangang pangako’y mabali

Upang di magalit pag-ibig isoli

Kayat kung iibig ikay maging handa

Tulad ng tutubi sa tuwing babaha

Sila ay lumilipad patungo sa iba

Upang magpatuloy ang mga buhay nila

Doon ay maglayag at magpakasaya

Kayat kung umibig ay pakatandaan

Na itoy kaylangang may pagmamahalan

Sapagkat kung wala ay mahihirapan

At masasayang lang sa inyo’y nagdaan

Kaya’t umubig na nang buong tapatan.
“Ang Daang Baluktot tungo sa Tuwid”
Ni: Darhyl John B. Cacananta





1. Isa sa mga lugar, lugar ng Mindanao

Sa Bayan ng San Juan Pangulo’y sinalang

Gloria ang pangalan na may kakayahan

Abril ay ang buwan, ikaanim ay ang araw.

Taon ay labing siyam apat naput pito.



2. Doon sya’y lumaki, hinubog ang sarili

Na siyang naging susi, daan sa mabuti

Ngunit ito nga ba ang ating nakita

Nang siya’y nanungkulan sa pamahalaan.

Hindi nga marahil ang ating wiwikain.



3. Dahil pinakita niya na sya’y masama

Korapyo’t pandaraya kanyang ginawa

Ekonomiya raw ay kanyang iahon

Ngunit hindi naman at lalong nabaon

Yan ang nakita ko habang siya’y naroon.



4. Sa trono’y umupo at di na lumayo

Sa kapangyarihan ay ayaw mawala

Kunwari’y mabait, ngunit ng sumapit

Ang tao sa kanya ay naging mabagsik

Mali na kasi ang kanyang ginagawa.



5. Eleksyon palamang ay gumawa na siya

Nang kalokohan na di raw niya ginawa

Ngunit maliwanag na siyang nagsalita

Sa “Garci Iskandal” dahil halata nga.

Ang paraan niya ng pagsasalita.



6. Kaya’t ng naglaon siya ay umamin

Na ang pandaraya ay ginawa nya rin

Humingi na lamang ng tawad sa publiko

Publiko na bulag sa mga napako

Napakong napako ng mahal na pinuno.



7. Di lang Garci Iskandal ang kanyang ginawa.

Bagkus ay nagnais ding ZTE’y makuha.

Mula ron sa bansa na tawag ay China

Bundok ng pera sana ay kanyang makukuha

Buti na nga lamang si Jun ay nagpakita.



8. Si Jun Lozada ay siyang nagsabi

ZTE ng China ay dapat itabi.

Dahil ang korapsyon ay muling sasali

Madadaya tayo ng walang pasubali

Dahil ang pangulo ay maitrategi.

9. Mapanlinlang siya dahil sa sya’y tuso

Gagawin ang lahat para lang sa puso

Pusong parang bato na walang pagsuyo.

Di na nya naririnig hinaing ng tao

Dahil binulag na ng pareng syang tukso.



10. Ngunit kung titignan, kaiba naman

Sa sinabi niya sa magazine noon

Sya’y kinapanayam ng Time International nuon

At pinahayag niya na siya ay banal

Na ang Diyos ay dapat hwag kalimutan.



11. Idolo daw niya ang kanyang Ama

Sa kanyang nagdulot at nagpakita

Sa mudo kung saan ito’y Pulitika

Na siyang magagamit sa pakikibaka

Upang matulungan, bansa’y maiahon na.



12. Pati si Corazon ay kanyang sinali

Buhay na idolo ang kanyang pakli

Nagpaunlad nga raw sa kanyang sarili

Dahil nagtiwala sa kakayahan niya

At sa DTI ay Assistant Secretary.





13. Tunay na malagim ang kinahinatnan

Nitong minamahal na pamahalaan

Naging instrumento sa kasamaan.

Pag may kasalanan lagi nalang turuan

Iya’y sa ilalim ng Glow pamunuan.



14. Magpasagayon man ay may kasabihan

Araw ay sisikat, lilipas ang kadiliman

Ulan ay titila, magsasaya’y madla

Dahil kalayaan ay kanilang nakuha

At iyan ay ngayon natin makikita.



15. Pagbabago’y sigaw ng ating pinuno

Benigno Semion Cojuangco Aquino III

Ang kanyang pangalan na kayla’y nanalo

Na gawang magwagi sa pagka pangulo

Na ipinanganak, buwan ng Pebrero



16. Ang araw nama’y ganap na ikawalo

Taon ay labing siyam, anim na po

Lungsod ng Manila siya isinilang

May pusong marangal mabait na nilalang

Na siyang nagsilbing modelo sa atin.





17. Iisang lalaki sa pamilya nila

Apat na babae kapatid mayron siya.

Ballsy, Pinky, Viel, Kris ang pangalan nila

Sila’y mga babaeng may taglay na ganda.

Talino at galing ay maroon din sila.



18. Pagpinag-usapan naman tong si Noynoy

Di rin pahuhuli dahil galing ay taglay

Nag-aral siya sa Ateneo De Manila

At doo’y nakuha pagiging ekonomista

Na nagamit nga sa trabaho niya.



19. At dahil may dugo siyang pulitika

Hindi maiwasan na mahikayat pa

Lalo na’t ang ama ay nagwika sa kanya

Nang biling di dapat kaylan talikdan

Dahil tunay nga na ito’y makatwiran.



20. Bilin ng kanyang Ama habang nasa bilangguan

Hwag pababayaan kanyang mga kaibigan

Pamilya at Bansa ay pakapahalagahan

Ang pagpapatakbo ng pamilya niya

Ay nasa kamay na ni Noynoy na dakila





21. Kaya sa kabila ng pagkawala

Ninoy na siyang Padre de Pamilya

Ay tumayo naman si Noynoy

Di lang naging Ama at nagtrabaho pa

Bilang Executive Director ng isang kumpanya



22. Panaho’y lumipas sila ay Masaya

Hanggang dumating na ang pagsubok sa kanila

Dating Pangulong Cory ay nagkasakit

Nang kolon kanser na tunay na kaypait

Hanggang sa namatay pighatiy sumapit



23. Eleksyo’y dumating hamon ay hinarap

Nitong si Noynoy sa pagkapangulo

Mga batikan ay kanyang tinalo

Estrada, Villar, Gordon at maging Gibo

Ay pinataob nya sa larangan ng pilitiko.



24. Kamakaylan lamang ay naglahad nga

Itong si Noynoy na maypusong masa

Nang programa na ipapatupad niya

Sa buong panahon na sya’y nakaupo

Sa posisyon kung saan ito ay pangulo





25. Ngunit sana naman ay hindi matulad

Sa nakaraan na sa atin ay nanungkulan

Pangako’y nabali tayo’y tinalikdan

Kaya’t sana nga ay magtulungan

Pagbabagong tunay nawa ay makamtan.

Wednesday, March 9, 2011

“AYOKO NG UMIBIG”
Ayoko ng umibig pa

Ayoko ng umasa pa

Ayoko ng masaktan pa

Ayoko ng umiyak pa



Dahil tunay na kaysakit

Ang kabiguang sinapit

Para bang napapatid

Ang buhay na saki’y hatid.



“KARIBAL”

Bakit ba nagging ikaw pa

Sa dinami dami nila

Hindi ko sukat akala na

Kaybigan ko’y karibal na.

“Si Miming kuting At Pedong aso”

Ni: Darhyl John B. Cacananta



       Sina Miming kuting at Pedong aso ay magkapareho ng amo, ngunit magkaibang magkaiba sila ng kanilang mga ugali. Si Miming kuting ay mahilig kumain ng itlog, gatas, gulay at karne. Samantalang itong si Pedong aso ay sitserya, soft drinks, stokolate at karne lamang ang kanyang kinakain. Kayat si Miming kuting ay napakalusog at napakalakas samantalang itong si Pedong aso ay napakapayat at mukhang gusgusin.

       Isang araw ay may nakitang kapirasong karne itong si Miming kuting, dali-dali niya itong kinuha at idinala sa ipinakita kay Pedong aso.

“Pedong aso, Pedong aso tingnan mo ang dala-dala ko”.

“Wow.........saan mo naman kinuha iyan Miming kuting siguro napakasarap niyan, maaari ko bang matikman”.

“Oo naman Pedong aso, sige tikman mo na..........”.

      Kinagat kaagad ni Pedong aso ang kapirasong ngunit hindi lang niya ito tinikman kundi ito ay kanyang itinakbo ng mabilis na mabilis. Umaatikabong habulan ang nangyari sa pagitan ng dalawa.

“Pedong aso, Pedong aso bakit mo naman kinuha iyan eh!!!!!!!!!ako naman ang nakakita niyan, bigyan mo naman ako kahit kaunti lang”.

“Hmp kainin mo ang paa mo ahaha..........”.at tumawa ng tumawa si Pedong aso habang siya ay mabilis na mabilis na tumatakbo.

Dahil sa pagod ni Miming kuting ay sumalampak na lamang ito sa tabi ng daan at nag-iiyak.

“huhuhu bakit naman ganuon si Pedong aso napaka sama niya sa akin naman at karneng iyon ah............”.

      Sa tabi ng daan hangbang patuloy na humahagulgol sa Miming kuting ay mayroong isang matadero na lumapit sa kanya at nagtanong.

“Miming kuting mayroon ka bang nakitang tumatakbo na mayroong dala-dalang karne”.

Kaagad namang sumagot itong si Miming kuting at wari ay nagtataka.

“Wala po, pero bakit po ba hinahanap ninyo iyong kumuha ng karne?”. Patanong na sagot ni Miming kuting.

“Alam mo na pakadilukado kasing kainin ang karneng iyong sapagkat ang karneng iyong ay bulok at mayroon pang lason para sa daga”. Pag-aalalang sabi ng matadero.

        Pagkasabing pagkasabi ng matadero ang salitang iyon ay walang sinayang na panahon si Miming kuting at ito ay dali-daling tumakbo.

“Pedong aso, Pedong aso nasan ka, huwag mong kakainin ang karne mayroong palang lason iyan.........”.

      Kinakabahan na si Miming kuting sapagkat walang sumasagot sa kaniyang mga sinasabi. Habang tumatakbo itong si Miming kuting ay halos mamatay naman na sa sakit ng tayan itong sa Pedong aso. Hindi na niya matiis ang sakit ng kanyang tiya kung kaya’t pinipilit ni Pedong aso na sumigaw kahit na napakasakit na nang kaniyang tiyan.

“Aray-aray ko ang sakit ng tiyan tulungan ninyo ako hindi ko na kaya ”. pasigaw na sabi ni Pedong aso.

        Dahil sa matiyagang paghahanap ni Miming kuting at nang matadero ay nahanap din nila sa Pedong aso. Ipinahiga kaagad ng matadero si Pedong aso at diniinan ng diniinan sa tiyan nito.

“Isa, dalawa, tatlo ............”

“huhahuha................” at sumuka ng sumuka itong si Pedong aso.

        Habang sumusuka itong si Pedong aso ay dali-daling kumuha ng tubig itong si Miming kuting at ipinainom ito kay Pedong aso.

“Pedong aso inumin mo ito”. Kaagad ngang ininum ang tubig ni Pedong aso.

         “Salamat Miming kuting sa kabila ng pagiging masama ko sa iyo ay nagawa mo akong tulungan, hayaan mo tutulungan na kita sa pang-araw araw nating gawain hindi narin kita aawayin”.

“Huwag mo nang alalahanin iyon Pedong aso ang mahalaga ngayon ay buhay ka”.

       Magmula nga noon ay lagi nang magkalaro itong si Miming kuting at Pedong aso, hindi narin sila nag-aaway lagi silang magkasundo. At tinutulungan na ni Pedong aso si Miming kuting sa mga gawaing bahay. kaya't tuwang tuwa ang kanilang mga magulang dahil magkasundo na ang dalawa...

"MALING AKALA"
Ni: Darhyl John B. Cacananta

Akala ko ay iyong naunawa 
Ngunit hindi pala
...Akala ko ay iyon din ang iyong nadama
Ngunit mali pala
Akala ko ay kaligayahan na
Subalit kalungkutan pala
Akala ko ay totoo na
Pagkukunwari lang pala
Tunay na kayhirap na
Sa akin ay pag-ibig na
Ngunit sayo'y kaibigan lang pala

Tuesday, March 8, 2011

Hillsongs Kids - Jesus Your My Superhero

       Ang ating buhay ay puno ng hiwaga, milagro at biyaya. Araw-araw tayo ay pinagkakalooban niya ng mga bagay na hindi natin maipaliwanag kung papaano ito nagaganap sapagkat tanging siya lamang ang may alam kung ano ang dahilan.
       Minsan nga dumarating tayo sa panahon kung saan ay nagtatanong tayo kung bakit niya tayo sinusubok at bakit niya tayo pinahihirahan sa tuwing makararanas tayo ng mga problema, suliranin at bigatin sa buhay.
       Magpasagayon paman siya parin ang dapat nating pasalamat, dakilain at purihin. Sapagkat talikuran man tayo ng lahat ng taong nakapaligid sa atin. Nandyan parin siya, naagapay, sumusuporta at kapag hindi na natin kayang humakbang dahil sa bigat ng ating pasanin sa buhay...binubuhat niya tayo at tinutulangang makabangon mula sa pagkakasadlak.
        kaya't dapat lang na tawagin natin siyang SUPER HERO...

Mga Tanaga 
Ni: Darhyl John B. Cacanata


“Pag-Ibig”
Kalikasa’y kaylangan,
Mahalin at  ingatan.
Pagkalinga ang buhay,
Pag-ibig ang ialay.
 
“Gulong”
Buhay ko’y parang gulong
Patuloy sa Paggulong
Alin man ang masalubong
Walang humpay ang pagsulong.
 
“ Kabiguan ”
Tunay nga na kaysakit,
Kabiguang sinapit.
Ngunit mawawala di’t
Ang saya ay sasapit.

“ Kaibigan” 
Dinurog ang puso ko,
Inagaw ang mahal ko,
Siniraan pa ako,
Yan ang kaibigan ko.
 
“Api”
Bakit nga ba ganoon
Lagi nalang may api
Kahit sang institusyon
Laging may nang-aapi
 



“Irog Ko”
Ni: Darhyl John B. Cacananta
 
D - ahil sa mahal kita
A - lay ko ay pagsinta
R - umaragasang luha
H - ahaplusin pagnawala ka
Y - aong puso’y mawawala
L - alamunin na ng tadhana.

“Sina Ama at Ina”
Ni:Darhyl John B. Cacananta
 
Magmula ng Bata sya ang nag-alaga,
Nag-alaga at nagbigay ng ligaya.
Ligaya di kaylan kayang tumbasan,
Tumbasan ng kahit ano pa mang bagay.
 
Yan si Ina animo’y Birheng Maria
Wala kang masabi sa kabaitan nya.
Laging nandyan lalo na pag may problema,
Sabihin mo lang at tutulungan ka nya.
 
Hetong si Itay, haligi ng tahanan
Palo nya ay di ko kaylan man natikman
Dahil sadyang mabait itong si tatay
Na handang magmahal maging pag-agapay.
 
Yan ang Amat-Inang saki’y ibinigay
Kayat pag-ibig ko’y aking iaalay
Sa inyong pagtanda’t paglabo ng mata
Aking ibibigay lahat kong suporta.