“Tutubi”
Ni: Darhyl John B. Cacananta
Tutubi sa parang na lilipadlipad
Di alam kung saan ito mapapadpad
Sapagkat direksyon ay di mo matalos
Ang pagdapo niya ay di na matapos
Tuntong rito’t roon gang buong maghapon
Ngunit kung titingnan tutubi’y maysaya
Kayat mga bata ay nahahalina
Dahil sa taglay na likas nitong hitsura
Ibat-ibang kulay asul, berde’t pula
Maging ang mga laki ay magkakaiba
Tulad ng pag-ibig tong munting tutubi
Tuloy sa paglagag hanggang sa mahuli
Nang taong sa kanya ay nais manghuli
Ngunit di kaylangang pangako’y mabali
Upang di magalit pag-ibig isoli
Kayat kung iibig ikay maging handa
Tulad ng tutubi sa tuwing babaha
Sila ay lumilipad patungo sa iba
Upang magpatuloy ang mga buhay nila
Doon ay maglayag at magpakasaya
Kayat kung umibig ay pakatandaan
Na itoy kaylangang may pagmamahalan
Sapagkat kung wala ay mahihirapan
At masasayang lang sa inyo’y nagdaan
Kaya’t umubig na nang buong tapatan.
No comments:
Post a Comment