Tuesday, December 6, 2011





IPAGPAUMANHIN MO!
Sadyang kaysaklap kung aking iisipin. Subalit ano nga ba ang aking magagawa, eh!!! Sa iyon nga ang pagyayari. Wala akong dapat na pagsisihan sapagkat sa kaunting panahon ay naging masaya ako sa piling mo. Nalaman ko ang mga bagay na dati ay lingid sa aking payak na kaalaman. Isa lamang ang sa ngayon ay natitiyak ko sa iyo. Ito ay ang ibalita sa iyo at ipagsigawan ko sa buong mundo o maging sa labas pa ng daigdig na sa puntong ito ng aking buhay na papalapit na ang panahon ng pagsapit ng tuldok ng aking buhay ay MATATAG na ako hindi tulad ng dati nang ako ay iyong makilala. Ang taong marupok at madaling mahikayat.
Marahil ay tama nga sila sa kanilang sinasabi na hwag kang masyadong umasa na tutumbasan niya ang lahat ng mga ipinapakita at ibinibigay mo sapagkat walang permanente sa mundong ito. Darating ang araw at magiging marupok ang inyong nasimulan. Kapag dumating ang araw na iyon ay unti-unting guguho ang inyong naitayong mumunting karanasan.
Oo tama nga sila na dapat hindi kita masyadong pinag-aksayahan ng pagkakataon. Sapagkat sa kalagayan natin ngayon ay unti-unti ko na nang nakikita ang dati ay malabong pangyayari na kanilang pilit na idinidikta sa akin.
Sorry dahil naging marupok ako, MARUPOK sa pagka baling ng panahon ko sa iyo.  MARUPOK dahil umasa ako na ang pagpapahalaga ko sa kung ano ang atin ng nasimulan ay iyo din namang pahahalagahan, at higit sa lahat naging marupok ako naumasang TAYO AY MAGTATAGAL. 

No comments:

Post a Comment