“Magkabilaan ang mundo”
Ni Darhyl John B. Cacananta
“Pagkakaiba ay mayroon sa lahat.”
Tama at mali, ilalim at ibabaw, liwanag at dilim, tubig at apoy, lupa at langit, malakas at mahina, mahirap at mayaman, may puti at may itim. Ilan lamang ito sa mga magkasalungat na parilalang nagpapakita ng pagkakaiba na binanggit sa loob ng kanta ni Joey Ayala. Sinasabi lamang ng kanta na may dalawang mukha ang mga bagay sa lipunan ng tao. At ang dalawang mukha na ito ay nakabatay sa iyo bilang isang kabahagi ng lipunan kung saan ka papanig at lulugar. Ito ba ay sa baluktot at marungis na gawain o di kaya naman ay sa tuwid, malinis ngunit iilan lamang ang pumipili.
Pagkatapos kong maringgan ang mga sambitla na ipinahayag ng kanta ay natanto ko na ang kanta ay nakatuon sa pagpapakita ng panlahat na larawan sa ating buhay at maging ng ilan sa mga kalagayang kinatatayuan ng maraming mga Pilipino. Ito ay ang pagiging “API”.
Panahon pa lamang ng mga mananakop ay tinawag nang api ang mga Pilipino. Sapagkat sila ay ginawang manggagawa sa sarili nilang lupa. Ang mga kastila, hapon at iba pang-banyagang lahi ay naglakbay patungo sa Pilipinas na kung tutuusin sana ay sila ang magmimistulang alipin sa ating lupain subalit hindi ito ang naganap.
Tinawag na mga “INDIYO” ang mga Pilipino, inalipin, kinawawa at kinulong sa sarili nitong bansa.
Subalit kung sasalaminin naman natin ang kalagayan natin sa ngayon, hindi na tayo masasabing “ALIPIN NG MGA BANYAGA”. Sapagkat malaya na tayo mula sa pang-aalipin ng alinmang lahi. Bagkus ay “ALIPIN NA TAYO NANG SARILI NATING MGA AMBISYON”. Ambisyon na umangat subalit kulang naman sa gawa. Sapagkat nakalulungkot man na isipin. Ang ating bansa ay nakabila 3rd WORLD COUNTRY na magsisilbing indikasyon na sa kabila ng pagpupunyagi ng ilan na tayo umunlad, kabaligtaran nito ang nagagap. Ito marahil ay dahil sa mga negatibong katangian ng mga Pilipino tulad ng NINGAS KUGON na sa umpisa lamang ang pagpupunyagi subalit sa paglipas ng panahon ay maghihinto sapagkat ang katamaran ay gagana. BAHALA NA HABIT na nagpapakita naman ng kawalang kamalayan at pakialam ng mga Pilipino sa maraming bagay. At ang pinakamasaklap sa lahat ay ang laganap na KURAPSYON hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa maraming bagay. Krimen at prostitusyon ay laganap rin sa lipunang Pilipino na magiging larawan ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa kasamaan.
Subalit magpasaganuon pa man ay ipinakita pa rin ng kanta na mayroon pa ring naghihintay na pag-asa sa kabila ng lahat. Sa kabila ng mga bagyo, pagsubok, pighati, kabiguan at pagkakasadlak na dinanas ng lipunang Pilipino ay mayroon pang naghihintay na MAGANDANG BUKAS. Ngunit magaganap lamang ito kung sa ngayon pa lamang ay mamimili na tayo ng dapat nating kalagyan. Ito ba ay sa kanan o kaliwa, sa tuwid o baluktot na gawa, sa malinis o marungis na sistema ng pamamalakad, sa masagana o naghihikahos na lipunan.
Ang kanta ay nag-iwan ng hamon sa lahat ng makapapakinig nito. At nakabatay na lamang sa kaninuman ang pamimili. Sapagkat ang “Pagkakaiba ay mayroon sa lahat.” At nakabatay na lamang sa iyo kung saan ang mas maganda batay sa iyo.
No comments:
Post a Comment