“Si Digong Dilaw”
Ni Darhyl John B.
Cacananta
Malamig
at malinis na hangin, malinaw na tubig sa batis, maiingay na sigawan na huni ng
mga ibon at iba’t ibang hayop ang iyong mailalarawan sa lugar na pinaninirahan
ng pamilya ni digo. Payak lamang ang uri ng kanilang pamumuhay doon nagtatanim
sila ng gulay, nangingisda at nangangaso naman sa tuwing nagsasawa na si digo
sa mga gulay bilang pagkain.
Bagaman
karamihan sa mga pagkaing nakukuha ng mga magulang ni digo sa gubat ay gulay at
isda. Ang karne ng ibat-ibang hayop ang kaniyang paboritong kainin. Kaya’t kung
minsan ay pinapalo siya ng kaniyang tatay sapagkat kung walang huli ang
kaniyang tatay at tanging gulay at isda ang inihain sa hapagkainan ay hindi
kumakain si digo. Bukod pa rito ay hindi rin tumutulong sa gawaing bahay si
digo. Pakikipaglaro lamang sa kapitbahay ang kaniyang ginagawa sa loob ng
maghapon. Mahilig din si digo sa mga dilaw na bagay tulad ng dilaw na tsinelas,
damit at maging sa mga pagkaing dilaw ay mahilig din siya at ilan sa mga ito ay
ang kalabasa, papaya, hinog na mangga at marami pang-iba.
Isang
araw habang siya ay natutulog, nagulat na lamang siya sa pagmulat ng kaniyang
mga mata ay puro dilaw na ang kulay ng kaniyang paligid at ang lahat ng
kaniyang mahawakan ay nagiging dilaw na rin. Ganuon na lamang ang lakas ng iyak
at sigaw niya palayo ng kaniyang bahay. Nang marating niya ang pusod ng
kagubatan ay labis na lamang ang kaniyang hilakbot sa sarili sapagkat ang lahat
ng puno, halaman at mga hayop na kaniyang nadadaanan ay naging dilaw din. Dahil
sa labis na pagod ay napaupo siya sa ugat ng isang punong mulawin. At habang
duon ay namamahinga isang malamig na
himig ang bumulalas na tila boses ng isang ingkantada at sinabing
“ Digo…Digo… ang lahat ng ito ay iyong mararanasan
kung magpapatuloy ka parin sa pagiging tamad at hindi pagkain ng mga gulay.”
Ganuon na lamang ang pasasalamat ni digo ng malamang
ang lahat ng kaniyang karanasan ay isang panaginip lamang at magmula nuon ay
kinakain na ni digo ang iba’t ibang uri ng gulay at higit sa lahat tumutulong
narin siya sa gawaing bahay.
No comments:
Post a Comment