Friday, July 29, 2011


“SI NIDA, ANG BABAENG WALANG PAHINGA…”
( Maikling Kwento ng Tauhan)
Ni: Darhyl John B. Cacananta

“ Nida…!!! gumising kana sa kinahihigaan mo at tanghali na wala pa tayong nailalakong paninda”. Pasigaw na sabi ni aling Gondang. Tuwing sabado at linggo ay nagtitinda ng mga lutong ulam at kakanin si ating Gondang.  Mula lunes naman hanggang byernes ay pagtuturo sa Day Care Center ng kanilang barangay ang kaniyang ginagawa. Upang maitaguyod nang nag-iisa ang kaniyang pamilya.
“ Inay inaantok pa po ako eh…” nagbubugnot na sagot ni Nida. Habang ang kaniyang katabing kapatid ay naghihilik pa lamang at wlang pakialam sa sigawan ng mag-ina na tila ba sanay na sa mga ganuong pangyayari ng kanilang buhay.
Sa araw-araw na ginawa ng diyos sa buhay nina Aling Gondang at Nida ay laging bangayan ang mga salitang magmumula sa kanilang mga bibig tuwing sasapit na ang umaga. Kung sabagay nga naman ang buhay ay hindi pare-pareho, merong mapalad tapos naging mayaman at meron din namang hindi masyado kaya’t namulat sa kahirapan.
Isang dakilang sundalo ang ama ni Nida ngunit bigla na lamang itong nawala nang natanggal sa serbisyo. Si Nida ay nasa ikalawang baitang pa lamang nuon at ang kaniyang kapatid ay wala pang muwang at pakialam sa mga pangyayari sa kanilang buhay. Ang pangalan ng kapatid ni Nida ay si Dario, isang napakatahimik, mabait at masunuring bata. Kaya nga ganuon na lamang ang lungkot na nadama ni Aling Gondang ng nawala ang kaniyang pinaka mamahal na asawa. Maraming mga balita ang kumalat ng mawala ang asawa ni Aling Gondang, may nagsasabing ito raw ay nabaliw na at nagpalaboylaboy na lamang sa kalye kaya hindi na nito nagawa ang umuwi. Mayroon din namang nagsasabing si Mang Imo daw ay may ibang pamilya na daw kaya’t hindi na umuuwi ay dahil nasa ibang kandungan na.
            Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay nina Aling Gondang, Nida at Dario ay magkakasama nila itong hinaharap at sa hirap at ginhawa ay hindi nila kaylanman ninais na mag-iwanan bagkus ay masidhing pagmamahalan at pagtutulungan ang kanilang sandatang pinanghahawakan upang makasabay sa walang tigil na pag-inog ng buhay.
“ Bakit ko naman hahanapin ang aking asawa, eh samantalang kusa siyang umalis sa aming bahay kaya dapat ay kusa rin siyang bumalik. Alam niya ang daan paalis sa aming tahanan kaya dapat alam rin niyang bumalik .” nagmamalaking sabi ni Aling Gondang sa kanilang kapitbahay sa tuwing sasabihin ang salitang “hanapin mo na kasi ang iyong asawa at nang hindi ka mahirapan sa pagtataguyod ng iyong mga anak.”
            Kaya’t ganuon na lamang ang pagsusumikap ni Nida na makapagtapos ng pag-aaral sapagkat nais niya na matulungan ang kaniyang ina na mabago ang takbo ng kanilang buhay. Upang magkaroon ng dagdag na baon kung minsan ay naglalako rin si Nida ng mga meryenda sa kaniyang mga kaklase  tulad ng pansit, prinitong bituka ng manok, shomay, malabon at marami pang-iba. Ang mga meryendang ito ay niluluto ni Aling Gondang bago pumasok sa paaralang kanyang pinagtuturuan.
            Dumaan ang mga araw at lumipas ang panahon. Patuloy sa paglaki sina Nida at Dario kasabay nito ay ang paglaki ng kanilang pangangailangan at gastusin sa bahay nina Aling Gonda. Nagtutulungan parin ang mga mag-anak pero hindi parin talagamaiwasan ang kakulangan sa pangangailangan material nina Aling Gondang. Kaya dahil sa pagod sa pagtatatrabaho ay nagkaroon ng sakit si Aling Gondang na hindi malaman kung ano ito.
            Malapit nang sumuko si Nida dahil sa pangyayaring iyon sa buhay nila dahil aniya ay puro nalang paghihirap ang kaniyang naranasan sa mundong ibabaw. Buti na lamang at sa kabila ng kawalan niya ng ama. ay nariyan ang kaniyang mga tiyo at tiya, lolo at lola at higit sa lahat ang diyos sa buhay niya. Ang mga iyon ang pinanghawakan ni Nida upang makapagpatuloy ang pag-inog ng kaniyang buhay.
            Kaya sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ni Nida ay nakapagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas at nagging isang Certified Public Accountant na naghatid sa kanya sa tugatog ng tagumpay.
            Hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik ang kanilang ama ni Nida at Dario ngunit kuntento na sila sa taong tumayo bilang ama at ina para sa kanila na walang iba kundi ang kanilang dakilang Ina.
-WAKAS-









           


Bakit Bawal ?
( Maikling kwentong salaysay )
Ni: Darhyl John B. Cacananta
“ Hindi mo ako pwedeng maging kasintahan pero hindi na ngangahulugang hindi kita minahal”.
Nakalulungkot ngunit sa ganitong paraan natuldukan ang kwento ng pag-ibig ng dalawa kong kaibigan. Kung babalikan ang kanilang nakaraan ay hindi mo iisiping ganuon nalang ang magiging katapusan ng kanilang pag-iibigan.
Bata pa lamang kami ay talagang sila na ang laging magkalaro, nagkakaintindihan at magkakampihan. Kung minsan nga ako ang kaaway nila at nakakaya nilang hindi ako pansinin sapagkat dalawa silang magkakampi. Ngunit habang tumatagal ay mayroon akong napapansin na parang mali. Marahil ay dahil sa bata pa kami at puro mga babae ang kaniyang mga kapatid.
Patuloy na lumipas ang panahon at lalong napatatag ang samahan ng bawat isa lalo nang nasa ikalimang baitang kami sa elementarya. Nagkaroon ng camping sa Casiguran Aurora sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasira ang sinakyan naming bangka at napadpad sa isang isla na hindi matalos kung ano ang pangalan. Ang hinuha ng bawat isa ay kamatayan na nang lahat. Ngunit naging dahilan ito upang malaman ng dalawa kung sinu at anu nga bang pagkatao meron sila.
Sabila ng pangyayaring iyon ay pinilit parin ng isat-isa ang makabangon muna sa nakatatakot na karanasang iyon. Ang ilan ay nangakamatay at karamihan ay nagkasakit dahil sa labis na gutom na naranasan.  Masalimuot ang karanasang iyon para sa nakararami ngunit para sa dalawa ito ang naging mitsa ng kanilang pagmamahalan.
Pagmamahalang umusbong sa lugar kung saan nasubok kung gaano nga ba kahalaga ang isat-isa para sa kanila. Dito sila naging malaya at  walang takot na nasabi ang nararamdaman nila sa isat-isa. Alam nilang mali ngunit wala silang magawa dahil ito ang sigaw ng kanilang puso at damdamin. Sa katunayan nga ay mayroon pang tula na nalikha ang dalawa.
D - ahil sa mahal kita
A - lay ko ay pagsinta
R - umaragasang luha
H - ahaplusin pagnawala ka
Y - aong puso’y mawawala
L - alamunin na ng tadhana.

Napakaikling tula ngunit napakalalim ng kahulugang ipinahihiwatig. Ang pag-iibigan ng dalawang taong ninanais maging malaya at maipakita sa lahat na sila ay nagmamahalan. Ngunit hindi pala ganuon kadali ang lahat, sapagkat akala nila ay mauunawaan ng mga taong nakapalibot sa kanila ngunit isang pagkakamali pala ang kanilang inakala.

            Naging matamis ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa ngunit habang tumatagal ay tila mayroong isang bagay na unti-unting humahadlang at kadalasang nagiging dahilan kung bakit hindi nila maipamalas sa lahat ang kanilang pagmamahalan. Ito ang isang bagay na hindi nila maunawaan kung bakit ang mundo ay sadyang mapanghamon, mapanghusga at nanunudya. Hindi lang  ang kanilang katayuan ang naging hadlang kundi maging ang panahon kung saan hindi pa tanggap ng mga tao ang kanilang relasyon. Kaya wala silang ibang magawa kundi itago ito. 
            Lubos kong natalos at nasabing may relasyon nga silang dalawa ng dumating ang aking ikalabinwalong kaarawan at nagkaroon ng kaunting inuman. Sa aming bakuran habang ako ay nagliligpit ng mga gamit ay nakita ko sila sa isang sulok at mula sa kinatatayuan ko ay natanto kong mayroon silang bagay na pinag-uusaapan. Tila ba pigil ang tawa ng bawat isa na halos ayaw nilang may makaalam at makarining ng kanilang pinag-uusapan. Hanggang sa bigla silang tumahimik at ang mga salitang dapat sana ay magmula sa kanilang mga labi ay dumaloy sa kanilang mga ugat patungo sa kanilang isip na tila nag-uutos. Hindi nagtagal ang kanilang pananahimik at ako ay naging buhay na patotoo sa dahan-dahang paglapat ng kanilang mapupulang mga labi. Mula sa aking kinatatayuan ay nais kong lumubong at matabunan ng mga lupa.
            Hindi roon natatapos ang kwento ng dalawa kong kaibigan. Minsan ay mayroon kaming proyekto sa asignatura Filipino kung saan ay kinakailangan naming gumawa ng isang pagtatanghal. Upang mapaghandaan ito ay kinakailangan naming makitulog sa isa naming kamag-aral upang duon ay maging maganda ang aming pagtatanghal mula sa aklat ng Ibong Adarna. 
            Nagkaroon ng problema ang aming grupo sapagkat ang paaralang aming pinapasukan ay isang paaralan para sa mga lalaki lamang. Ang tauhan sa kwentong Ibong Adarna ay hindi puro mga lalaki lamang kaya wala gaganap sa papel bilang si Prinsesa Leonora. Kaya napagkasunduan ng grupo na magbunutan upang malaman kung sino ang gaganap bilang sa Prinsesa Leonora at Don Juan. Nagkataon na ang dalawa kong kaibigan ang mapalad na nagging si Don Juan at si Prinsesa Leonora.
            Habang nagsasanay kami ay nakita nanaman namin na ang dalawa ay nag-sasarili at parang may sariling mundo. Duon ay nagkakantahan sila habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Natatandaan ko pa ang mga salitang iyon…
“ Dahil sa piling mo lagi kasaya ng aking puso para bang ako’y nasa langit na ang paligid ang ligaya. Ngunit kung ito ay panaginip ayoko ng magising ang pag-ibig ko’y patuloy at aaminin ko sayo SARANGHE.”
            Ito ay ilan lamang sa mga salitang natandaan ko, magkasabay na kinakanta ng dalawa ang kantang ito. Patok na patok ang kantang ito noon kung saan ay ginamit ang salitang SARANGHE na mula sa salitang korea at nangangahulugang MAHAL KITA. Kaya ganuon na lamang ang pagtataka ng aming mga kamag-aral.
            Dahil sa kaganapang iyon kumalat sa buong paaralan ang balita hanggang ito ay makarating sa kanilang mga magulang at pilit silang pinsaghihiwalay. Ito ang pinaka mahirap na pagsubok na kanilang naranasan patungkol sa kanilang pagmamahalan. Gusto nilang kumawala sa kamay ng kanilang mga magulang ngunit wala silang magawa sapagkat alam nila na mali ang ganuon.
            Sumapit ang araw ng aming pagtatapos. Nagulat ang lahat sapakat ang isa sa dalawang pinakamagaling sa klase ay hindi dumalo. Habang nagpapatuloy ang programa ng aming pagtatapos ay natatalos ko ang bahid ng kalungkutan sa mukha ng aking kaibigan sapagkat wala ang kaniyang pinakamamahal na naging katuwang at katulong sa pag-aaral. Kaya nga sila ang itinalaga bilang pinakamagaling na magtatapos ng taon na iyon dahil lagi silang magkasama at magkagrupo sa mga gawain sa paaralan. Akala ko ganun nalang talaga kasakit ang magiging katapusan ng pag-ibig ng dalawa.
            Subalit nagkaroon ng kaunting pagbabago ng sa kalagitnaan ng programa ay tumawag ang aking kaibigan at sinabing ilang oras nalang at lilipad na ang eroplanong kanyang sasakyan patungo sa ibang bansa at duon ay ipagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.
            Hindi sinayang ng aking kaibigan na nasa programa ang mga sandaling iyon. Hindi na niya hinintay na maisabit sa kanyang mga leeg ang medalya ng tagumpay bagkus ay kumaripas nalang ito ng takbo at tinungo ang paliparan kung saan naroon ang isa ko pangkaibigan.
            Pagdating namin sa paliparan ay akto nang tatayo ang aking kaibigan upang pumunta sa eroplanong kanyang sasakyan patungong ibang bansa. Muntik na naming hindi siya maabutan, ngunit mabait parin ang Diyos sapagkat hindi niya hinayaan na ganuon nga ang mangyari bagkus ay hinayaan niya na makapag-usap ang dalawa at magkapaalamanan...
“ Aalis na ako, gusto nila mama at papa na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa ibang bansa upang mas maging maganda ang aking kinabukasan.” Lungkot na lungkot na wika ng isa.
“ ok lang iyon… alam ko naman na hindi talaga pwede ang nais natin sapagkat labag ito sa maraming bagay. Mag-iingat duon ah” Tugon naman ng isa na nanggigilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.
“ Tunay na kaylangan ko itong gawin para rin sa aking sariling kapakanan ngunit nais ko na iyong malaman ang katotohanang …
Hindi mo ako pwedeng maging kasintahan…pero hindi na ngangahulugang hindi kita minahal”.

-WAKAS -








           

COTABATO, larawan ng kultura at paniniwalang Pilipino
(Maikling kwentong Pangkatutbong kulay)
Ni: Darhyl John B. Cacananta

Noon lang namin narating ang lugar ng Cotabato at hindi ko sukat akalang ganuon pala ang mga tao roon. Kung hindi pasumakabilang buhay ang aking Lolo ay hindi mapapadpad sa lugar na iyon an gaming pamilya.
Araw ng martes may hindi kilalang numero ang tumatawag sa cellphone ni ama. Nagulat siya sa kanyang nalaman sapagkat ayon sa babaeng nagsasalita sa cellphone ay yumao na daw ang kanilang ama.
Dahil sa kahirapan ay nagawa ni Ama na lumayas sa kanilang bahay. Nagtungo siya sa Maynila dahil ang alam niya na magiging mas maganda ang kaniyang buhay roon. Labindalawang taon pa lamang siya noon ay naglakas loob siyang makipagsapalaran sa Maynila kahit na hindi siya sigurado sa kung ano ang kaniyang magiging buhay roon. Magmula nuon ay wala na siyang balita sa kaniyang pamilya.
Buti na lamang at natunton ng mga kapatid ni Ama ang kaniyang numero. Kaya’t araw ng meyerkules ay tumulak na kami sa Cotabato. Napakaganda ng lugar na iyon hindi katulad ng Maynila sapagkat ang Cotabato ay nagtataglay ng malinis na hangin, mapupunong lugar at tubig na napakalinaw.
Nakakapagod ang biyahe patungong Cotabato ngunit kaylangan naming pumunta upang sa hulingpagkakataon ay masulyapan ni Ama ang kaniyang tatay. Panghuling gabi na nang burol ng tatay ni Ama ng kami ay dumating roon. Ngunit nagulat kami sa kaugaliaang nasaksihan namin sa lugar na iyon. Sa halip na baraha ang ginagamit nila sa pagsusugal ay sabong ang kanilang ginagawa at hindi lamang iyon ang handang baboy n gaming Lolo ay pinatay nila sa pamamagitan ng apoy. Ikinulong nila sa isang maliit na kulungan ang baboy na buhay at pinalibutan nila ito ng apoy hanggang sa ito ay mamatay. Kaawaawa ang baboy sa paraan ng pagpatay nila rito. Ayon sa kanila ay isang pagpupuri daw sa Diyos ang kanilang ginawa sapagkat ang usok ng buhay na baboy na pumailanglang sa langit ay isang mainam na gawain.
Hindi lamang iyon an gaming nalaman sa paglagi namin roon. Nalaman ko na kapag may patay ay bawal daw magsuot ng pulang damit sapagkat paggalang daw ito sa namatayan. Ang akala ko ay sagyang makalat sa lugar iyon. Ngunit hindi pala sadya lang na hindi pwedeng magwalis hangga’t hindi naililibing ang patay.
At dahil duon ay nalaman kong naparaming kaugalian ang nakatago sa kulturang Filipino
-          WAKAS -
 “ANG PILYONG SI LOREN “
( Maikling Kwentong Katatawanan )
Ni: Darhyl John B. Cacananta

Noong unang panahon ay may isang haring nagngangalang Solomon. Mayroon siyang nag-iisang anak na lalaki. Ang kaniyang pangalan ay Loren, si Loren ay napakapilyong bata at ang lahat ay naiinis sa kanya.
Isang araw ay naglibot si Loren sa kanilang nasasakupan kaya’t ganuon na lamang ang takot ng lahat. Dahil baka kung ano ang kaniyang gawin.
Tama nga ang mga taong nakapalibot sa kaniya sapagkat mayroon itong ginawang kalokohan. Sa may daanan ay nag-iwan siya ng balat ng saging kayat nadulas ang mga dumaraan. Kaya’t ang mga dala nilang mga gulay, prutas at mga gamit ay nangagkatapon. Hinabol si Loren ng mga kawal ng hari upang siya ay isumbong sa kanyang Ama ngunit masyado itong maliksi at magaling na magtago. Nagtagal ang habulan sa pagitan ni Loren at nang mga kawal ng hari hanggang sa sila ay makarating sa kagubatan. Hindi alam ng mga kawal ng hari na si Loren ay marami palang mga patibong na nagawa sa loob ng kagubatan dahil siya ay laging nanduon.
Unti-unting nahulog sa ibat-ibang patibong ni Loren ang mga kawal ng hari.  May nahulog sa loob ng butas at hindi na magawang makaahon. Meron din namang nakakita ng ahas at sa sobrang takot ay humandusay na lamang at nagtatatkbo pabalik sa palasyo ng magising. Ang ilan naman ay nahuli ng bitag na tali ay nagging palamuti sa mga puno na parang mga christmass balls na nakabitin.
Walang nakahuli kay Loren kaya’t umuwi na lamang ang mga kawal ng hari na lulugo lugo. Dinaig pa nila ang mga kawal na nakipaglaban sa isang labanan ng mga hukbo dahil sa sobrang pagod na kanilang nadama.
Pagdating sa palasyo ay isinumbong nila ang kapilyohang ginawa ni Loren sa kaniyang ama. Mula sa silid ni Loren ay ipinatawag siya nang kaniyang ama at sinabing kung kaniya pa itong uulitin ay itatakwil na siya bilang anak ng hari. Dahil ayaw ni Loren na siya ay mapalayas sa palasyo ay pinilit nan i Loren na maging mabait at tumutulong narin siya sa mga taong gumagawa sa loob ng palasyo.
Magmula nuon ay hindi na naging  pilyo itong si Loren at kinagigiliwan na rin siya ng mga tao sa kaniyang paligid napaka saya pala ng ganuon ang sabi ni Loren.
-          WAKAS - 
“ Maling Akala “
( Kwento ng katatakutan )
Ni: Darhyl John B. Cacananta
Ang buong paligid ay nabubudburan ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan. Malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot ang katahimikan. Iyan ay ilan lamang sa salitang naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa kwento.
“ Mga friend, malapit na ang semestral break ah!!! Saan ba tayo magbabakasyon.”patanong wika ng isa sa aking mga kabarkada.
“ Ah gusto niyo ba ang magbakasyo “  natutuwang sagot ng isa sa mga kamag-aral ni Aritha.
“Oo naman  ah!!! Napakasaya kaya ng ganuon sapagkat malaya tayo at wala sa pangbabawal ng ating mga magulang. Nakababagot naman kasi ang mamalagi sa bahay ng napaka habang panahon at naghihitay lamang sa paglubong ni pebong araw “. Pagpapahayag ni Luisa.
“ Oh sige duon nalang tayo sa probinsya ng aking lola, tahimik duon at napakaganda ng tanawin”. Panghihikayat ni Marita sa kaniyang mga kaibigan.
Ang akala ni Elea ay iyon ang magiging napakasayang karanasan na kanyang mararanasan sa kanyang buhay. subalit isa palang malaking kamalian ang kaniyang inakala.
Ikaapat ng Oktubre ay nagpasya na pumunta sina Aritha, Angel, Elea at iba pang kabarda ni Marita sa probinsya ng kaniyang lola. Sabik na sabik ang lahat ngunit tanging si Aritha at Elea lamang ang nakapunta sa probinsya nila Marita sapagkat ang ilan ay hindi pinayagan sa kabila ng kanilanh pagnanais.
Hindi sukat akalain ni Aritha at Elea na ganuon na lamang kalayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Halos walang magkagusto na ihatid sila sa lugar na dapat ay kanilang pupuntahan na tila ba may isang misteryosong bagay na naroroon sa lugar na kanilang pupuntahan.
Kahit gaano kalaki ang bayad na sabihin nina Aritha, Elea at Marita sa Driver ng sasakyan ay hindi nila gusto na ihatid sila mismo sa lugar na sinasabi ni Marita. Kaya’t ganuon na lamang ang pagtataka ni Aritha at Elea kaya naman ang kanilang naramdaman ay mayroon ng kahalong takot at kilabot. Ngunit sa kabila ng kanilang nararamdaman ay wala na silang ibang magagawa kundi ang tumuloy sapagkat isang sakayan na lamang ay naruon na sila sa banyan ng kanilang lola.
Nadagdagan pa ang takot na nadama nina Aritha at Elea nang sila bumaba na sa sasakyan at sinabi ng driver sa kanila na mag-ingat kayo at sana ay makaalis kayo sa lugar na pupuntahan niyo nang buhay. Nais nang hindi tumuloy nina Aritha at Elea ngunit tila ba mayroong hangin na siyang humahalina sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng tatlong oras na paglalakad mula saa lugar na pinagbabaan nila nang sila ay inihatid ng driver ay nagula’t na lamabng sila at ang lahat ay napakasaya at natatayo ng mga poste, naglalagay nang banderitas at marami pang bagay na mayroong kinalaman sa pista. Ngunit ang nakapagtataka sa mga taong naroon ay sa kabila ng kanilang mga nguti na sumalubong sa kanila ay ganuon na lamang ang titig ng lahat kina Aritha at Elea habang naglalakad sa kanilang kalagitnaan.
Sa isang bahay na may bubung na kugon tumuloy sina Aritha, Elea at Marita. Ganuon nalamang ang gulat ng dalawang bisita sapagkat maroon nang nakahandang higaan para sa kanilang tatlo. Sa isang sulok ay mayroong matandang tila isang dekada nang hindi nasikatan ng araw sa sobrang puti at isang dekada na rin na hindi nagpagupit. Ganuon na lamang ang takot na nadama ni Aritha at Elea sa kanilang isip ay bakit pa ba sila tumuloy at pumunta sa lugar na iyon. Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon ay ninanais na nilang bumalik ulit sa Manila at magkulong na lamang sa kanilang mga bahay. Subalit ang lahat ay naroon na at wala na silang magagawa kundi ang palipasin ang mga araw at hintaying sila ay makauwi na nang Maynila.
Lumipas  ang mga araw at gabi. Isang hapon habang si Aritha at Elea ay nasa loob ng kubo ay nagpaalam itong si Marita na mayroon lamang siyang pupuntahan at babalik din daw siya kaagad. Sa may durungawan na bintana ay makikitang ang mga tao ay naghihihintay sa pagpanaog ni Marita. Napakasama ng tingin ng mga tao kina Arita at Elea na tila ba gusto silang kainin ng mga ito. Subalit nagbago ang mga iyon ay nawala ng pumanaog na si Marita at may salitang binanggit. Ngunit ang salitang iyon ay hindi naunawaan ni Aritha at Elea sapagkat ito marahil ay nakabilang sa grupo lamang nina Marita.
Nakatulog na ang dalawa sa kahihintay kay Marita. Nagising na lamang si Aritha dahil sa mayroon siyang narinig na nag-uusap sa may bandang pinto ng kubo na kanilang kinalalagyan. At nagulat nalamang si Aritha sa huling salita na kaniyang narinig.
“ Bukas ng gabi ay mangyayari na ang lahat, ibibigay dito ang inumin ninyo upang makatulog silang dalawa at mailuto sa kawa. Ang baso sa gitna ang dapat mong inumin upang hindi ka makatulog”.
Ang salitang iyon ang tumatak sa isipan ni Aritha. Pinagpawisan siya ng malapot dahil sa kanyang narinig at natuklasan. Hindi na sukat akalain na sila pala ni Elea ang magiging handa para sa pista ng Banya nila Marita. Ngunit hindi pa huli ang lahat kaya’t may panahon pa para sila ay makatakas.
Paggising pa lamang sa umaga ay humahanap na nang pagkakataon si Aritha upang masabi ang kanyang natuklasan kagabi. Ngunit hindi sila iniiwan ni Marita at talagang bantay sarado sila habang ang mga tao sa labas ay nagkakagulo at abala sa paghahanda ng lahat.
Kumagat na ang dilim ngunit hindi parin nasasabi ni Aritha ang mangyayari sakanila ni Elea. Ang inumin na magpapatulog sa kanila ay nakahanda na rin at nasa isang sulok. Buti na lamang at nagkunwaring masakit ang ulo ni Aritha at pinakuha niya ng gamut si Marita kaya’t nakausap ni Aritha si Elea ng palihim.
Hindi makapaniwala si Elea na ganuon ang balak ni Marita sa kanila kaya’t ang ginawa nila ay pinalo nila ang ulo ni Marita upang ito ay makatulog at ipinahiga nila si Marita sa kanila higaan upang siya ang makuha at mailuto ng mga kapwa niya halimaw.
Ang akala nila ay ganuon na lamang kadali ang pagtakas pero nagkamali sila sapagkat ang mga taong kanilang nakita nuon ay nagging ibang anyo at nagging kawangis ng mga aso. At ang mga asong ito ay sabik na makakain ng sariwang dugo at laman ng isang tunay na tao. Sapagkat sa loob ng isang taon ay minsan lang silang nag-iibang anyo at kinakailangan nilang makainum at makakain ng laman ng mortal na tao. Kung hindi ito mangyayari ay mamamatay silang lahat. Nakalabas na sina Aritha at Elea sa loob ng kubo. Malayo na ang kanilang narating ng sila ay makarinig ng isang malakas na alulong ng aso na tila magkahalong puot at pagluluksa ang ipinahihiwatig. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang pagkain ay ang kanilang kapamil na hindi nila dapat kainin.
Tumakbo ng mabilis ang dalawa na hindi malaman kung saan sila patungo. Sa di kalayuan ay mayroon na silang nakita na sumusunod sa kanilang isang naglalaway at galit na galit ng halimaw. Nadapa si Aritha at sinunggaban siya nang halimaw at nang aktong kakagatin na siya nito ay bigla nalang itong tumumba at humandusay sa kanilang harapan. At di nagtagal ay ngumiti na si pedong araw kina Aritha at Elea na nagpapahiwatig na ang panganib ay wala na sa kanilang paligid.
Sa kabila ng takot na kanilang nadama ay nakauwi parin ang dalawa ng buhay. Ngunit sinabi nila sa kanilang sarili na sa susunod na Semestral Break  ay gugugulin na lamang nila sa kanilang bahay ang kanilang mga bakasyon.
-          WAKAS -