Friday, July 29, 2011

“ Maling Akala “
( Kwento ng katatakutan )
Ni: Darhyl John B. Cacananta
Ang buong paligid ay nabubudburan ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan. Malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot ang katahimikan. Iyan ay ilan lamang sa salitang naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa kwento.
“ Mga friend, malapit na ang semestral break ah!!! Saan ba tayo magbabakasyon.”patanong wika ng isa sa aking mga kabarkada.
“ Ah gusto niyo ba ang magbakasyo “  natutuwang sagot ng isa sa mga kamag-aral ni Aritha.
“Oo naman  ah!!! Napakasaya kaya ng ganuon sapagkat malaya tayo at wala sa pangbabawal ng ating mga magulang. Nakababagot naman kasi ang mamalagi sa bahay ng napaka habang panahon at naghihitay lamang sa paglubong ni pebong araw “. Pagpapahayag ni Luisa.
“ Oh sige duon nalang tayo sa probinsya ng aking lola, tahimik duon at napakaganda ng tanawin”. Panghihikayat ni Marita sa kaniyang mga kaibigan.
Ang akala ni Elea ay iyon ang magiging napakasayang karanasan na kanyang mararanasan sa kanyang buhay. subalit isa palang malaking kamalian ang kaniyang inakala.
Ikaapat ng Oktubre ay nagpasya na pumunta sina Aritha, Angel, Elea at iba pang kabarda ni Marita sa probinsya ng kaniyang lola. Sabik na sabik ang lahat ngunit tanging si Aritha at Elea lamang ang nakapunta sa probinsya nila Marita sapagkat ang ilan ay hindi pinayagan sa kabila ng kanilanh pagnanais.
Hindi sukat akalain ni Aritha at Elea na ganuon na lamang kalayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Halos walang magkagusto na ihatid sila sa lugar na dapat ay kanilang pupuntahan na tila ba may isang misteryosong bagay na naroroon sa lugar na kanilang pupuntahan.
Kahit gaano kalaki ang bayad na sabihin nina Aritha, Elea at Marita sa Driver ng sasakyan ay hindi nila gusto na ihatid sila mismo sa lugar na sinasabi ni Marita. Kaya’t ganuon na lamang ang pagtataka ni Aritha at Elea kaya naman ang kanilang naramdaman ay mayroon ng kahalong takot at kilabot. Ngunit sa kabila ng kanilang nararamdaman ay wala na silang ibang magagawa kundi ang tumuloy sapagkat isang sakayan na lamang ay naruon na sila sa banyan ng kanilang lola.
Nadagdagan pa ang takot na nadama nina Aritha at Elea nang sila bumaba na sa sasakyan at sinabi ng driver sa kanila na mag-ingat kayo at sana ay makaalis kayo sa lugar na pupuntahan niyo nang buhay. Nais nang hindi tumuloy nina Aritha at Elea ngunit tila ba mayroong hangin na siyang humahalina sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng tatlong oras na paglalakad mula saa lugar na pinagbabaan nila nang sila ay inihatid ng driver ay nagula’t na lamabng sila at ang lahat ay napakasaya at natatayo ng mga poste, naglalagay nang banderitas at marami pang bagay na mayroong kinalaman sa pista. Ngunit ang nakapagtataka sa mga taong naroon ay sa kabila ng kanilang mga nguti na sumalubong sa kanila ay ganuon na lamang ang titig ng lahat kina Aritha at Elea habang naglalakad sa kanilang kalagitnaan.
Sa isang bahay na may bubung na kugon tumuloy sina Aritha, Elea at Marita. Ganuon nalamang ang gulat ng dalawang bisita sapagkat maroon nang nakahandang higaan para sa kanilang tatlo. Sa isang sulok ay mayroong matandang tila isang dekada nang hindi nasikatan ng araw sa sobrang puti at isang dekada na rin na hindi nagpagupit. Ganuon na lamang ang takot na nadama ni Aritha at Elea sa kanilang isip ay bakit pa ba sila tumuloy at pumunta sa lugar na iyon. Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon ay ninanais na nilang bumalik ulit sa Manila at magkulong na lamang sa kanilang mga bahay. Subalit ang lahat ay naroon na at wala na silang magagawa kundi ang palipasin ang mga araw at hintaying sila ay makauwi na nang Maynila.
Lumipas  ang mga araw at gabi. Isang hapon habang si Aritha at Elea ay nasa loob ng kubo ay nagpaalam itong si Marita na mayroon lamang siyang pupuntahan at babalik din daw siya kaagad. Sa may durungawan na bintana ay makikitang ang mga tao ay naghihihintay sa pagpanaog ni Marita. Napakasama ng tingin ng mga tao kina Arita at Elea na tila ba gusto silang kainin ng mga ito. Subalit nagbago ang mga iyon ay nawala ng pumanaog na si Marita at may salitang binanggit. Ngunit ang salitang iyon ay hindi naunawaan ni Aritha at Elea sapagkat ito marahil ay nakabilang sa grupo lamang nina Marita.
Nakatulog na ang dalawa sa kahihintay kay Marita. Nagising na lamang si Aritha dahil sa mayroon siyang narinig na nag-uusap sa may bandang pinto ng kubo na kanilang kinalalagyan. At nagulat nalamang si Aritha sa huling salita na kaniyang narinig.
“ Bukas ng gabi ay mangyayari na ang lahat, ibibigay dito ang inumin ninyo upang makatulog silang dalawa at mailuto sa kawa. Ang baso sa gitna ang dapat mong inumin upang hindi ka makatulog”.
Ang salitang iyon ang tumatak sa isipan ni Aritha. Pinagpawisan siya ng malapot dahil sa kanyang narinig at natuklasan. Hindi na sukat akalain na sila pala ni Elea ang magiging handa para sa pista ng Banya nila Marita. Ngunit hindi pa huli ang lahat kaya’t may panahon pa para sila ay makatakas.
Paggising pa lamang sa umaga ay humahanap na nang pagkakataon si Aritha upang masabi ang kanyang natuklasan kagabi. Ngunit hindi sila iniiwan ni Marita at talagang bantay sarado sila habang ang mga tao sa labas ay nagkakagulo at abala sa paghahanda ng lahat.
Kumagat na ang dilim ngunit hindi parin nasasabi ni Aritha ang mangyayari sakanila ni Elea. Ang inumin na magpapatulog sa kanila ay nakahanda na rin at nasa isang sulok. Buti na lamang at nagkunwaring masakit ang ulo ni Aritha at pinakuha niya ng gamut si Marita kaya’t nakausap ni Aritha si Elea ng palihim.
Hindi makapaniwala si Elea na ganuon ang balak ni Marita sa kanila kaya’t ang ginawa nila ay pinalo nila ang ulo ni Marita upang ito ay makatulog at ipinahiga nila si Marita sa kanila higaan upang siya ang makuha at mailuto ng mga kapwa niya halimaw.
Ang akala nila ay ganuon na lamang kadali ang pagtakas pero nagkamali sila sapagkat ang mga taong kanilang nakita nuon ay nagging ibang anyo at nagging kawangis ng mga aso. At ang mga asong ito ay sabik na makakain ng sariwang dugo at laman ng isang tunay na tao. Sapagkat sa loob ng isang taon ay minsan lang silang nag-iibang anyo at kinakailangan nilang makainum at makakain ng laman ng mortal na tao. Kung hindi ito mangyayari ay mamamatay silang lahat. Nakalabas na sina Aritha at Elea sa loob ng kubo. Malayo na ang kanilang narating ng sila ay makarinig ng isang malakas na alulong ng aso na tila magkahalong puot at pagluluksa ang ipinahihiwatig. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang pagkain ay ang kanilang kapamil na hindi nila dapat kainin.
Tumakbo ng mabilis ang dalawa na hindi malaman kung saan sila patungo. Sa di kalayuan ay mayroon na silang nakita na sumusunod sa kanilang isang naglalaway at galit na galit ng halimaw. Nadapa si Aritha at sinunggaban siya nang halimaw at nang aktong kakagatin na siya nito ay bigla nalang itong tumumba at humandusay sa kanilang harapan. At di nagtagal ay ngumiti na si pedong araw kina Aritha at Elea na nagpapahiwatig na ang panganib ay wala na sa kanilang paligid.
Sa kabila ng takot na kanilang nadama ay nakauwi parin ang dalawa ng buhay. Ngunit sinabi nila sa kanilang sarili na sa susunod na Semestral Break  ay gugugulin na lamang nila sa kanilang bahay ang kanilang mga bakasyon.
-          WAKAS -

24 comments:

  1. hello author, pwede po bang hiramin ang story nyo? gagamitin ko lang po para sa movie namin, wala kasi akong ibang mahanap. i'll be waiting po sa response nyo. god bless you po

    ReplyDelete
  2. Hi po pwede ko po bang hiramin tong story niyo? para po sana sa assignment namin. Thank you po :)

    ReplyDelete
  3. Shake rattle and roll. Si Manilyn ang bida dyan e. Lol.

    ReplyDelete
  4. Pahiram ho, para lang sa project.

    ReplyDelete
  5. Peram po ng story nyo para lang po sa project tgank you

    ReplyDelete
  6. pwede pahiram ng story mo para lang po sa assignment dahil maganda ang story mo salamat po

    ReplyDelete
  7. pahiram po ng story nyo grade 8 hahahahahahahaha
    .

    ReplyDelete
  8. Hiramin lang po yung story for a report :)

    ReplyDelete
  9. Hiramin ko lang po para po sa assigment tyyyyyyy

    ReplyDelete
  10. pwede po mahiram ang story nyo ? pra sa project lng salamat

    ReplyDelete
  11. Pahiram po , para sa project ng anak ko, slamat

    ReplyDelete
  12. Can I borrow this for my assignment.?

    ReplyDelete
  13. 0919261611? okmanan kwrnto magnda

    ReplyDelete
  14. hello mr author pahiram ng story para sa sample sa module

    ReplyDelete
  15. Pahiharam mo ng storya niyo, project lang po thankyou!

    ReplyDelete
  16. Magandang Araw! Nais ko po sanang maibahagi ang iyong kwento sa Youtube Channel ko para ma promote ang kwento mo sa Youtube Channel ko papunta sa website mo, kumbaga collab with creduts. Kung papayag lang sana kayo

    ReplyDelete
  17. Author pahiram ng story mo. Try ko kasing mag narrate ng story sa YouTube... Pwede tayo mag collab

    ReplyDelete