“SI NIDA, ANG BABAENG WALANG PAHINGA…”
( Maikling Kwento ng Tauhan)
Ni: Darhyl John B. Cacananta
“ Nida…!!! gumising kana sa kinahihigaan mo at tanghali na wala pa tayong nailalakong paninda”. Pasigaw na sabi ni aling Gondang. Tuwing sabado at linggo ay nagtitinda ng mga lutong ulam at kakanin si ating Gondang. Mula lunes naman hanggang byernes ay pagtuturo sa Day Care Center ng kanilang barangay ang kaniyang ginagawa. Upang maitaguyod nang nag-iisa ang kaniyang pamilya.
“ Inay inaantok pa po ako eh…” nagbubugnot na sagot ni Nida. Habang ang kaniyang katabing kapatid ay naghihilik pa lamang at wlang pakialam sa sigawan ng mag-ina na tila ba sanay na sa mga ganuong pangyayari ng kanilang buhay.
Sa araw-araw na ginawa ng diyos sa buhay nina Aling Gondang at Nida ay laging bangayan ang mga salitang magmumula sa kanilang mga bibig tuwing sasapit na ang umaga. Kung sabagay nga naman ang buhay ay hindi pare-pareho, merong mapalad tapos naging mayaman at meron din namang hindi masyado kaya’t namulat sa kahirapan.
Isang dakilang sundalo ang ama ni Nida ngunit bigla na lamang itong nawala nang natanggal sa serbisyo. Si Nida ay nasa ikalawang baitang pa lamang nuon at ang kaniyang kapatid ay wala pang muwang at pakialam sa mga pangyayari sa kanilang buhay. Ang pangalan ng kapatid ni Nida ay si Dario, isang napakatahimik, mabait at masunuring bata. Kaya nga ganuon na lamang ang lungkot na nadama ni Aling Gondang ng nawala ang kaniyang pinaka mamahal na asawa. Maraming mga balita ang kumalat ng mawala ang asawa ni Aling Gondang, may nagsasabing ito raw ay nabaliw na at nagpalaboylaboy na lamang sa kalye kaya hindi na nito nagawa ang umuwi. Mayroon din namang nagsasabing si Mang Imo daw ay may ibang pamilya na daw kaya’t hindi na umuuwi ay dahil nasa ibang kandungan na.
Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay nina Aling Gondang, Nida at Dario ay magkakasama nila itong hinaharap at sa hirap at ginhawa ay hindi nila kaylanman ninais na mag-iwanan bagkus ay masidhing pagmamahalan at pagtutulungan ang kanilang sandatang pinanghahawakan upang makasabay sa walang tigil na pag-inog ng buhay.
“ Bakit ko naman hahanapin ang aking asawa, eh samantalang kusa siyang umalis sa aming bahay kaya dapat ay kusa rin siyang bumalik. Alam niya ang daan paalis sa aming tahanan kaya dapat alam rin niyang bumalik .” nagmamalaking sabi ni Aling Gondang sa kanilang kapitbahay sa tuwing sasabihin ang salitang “hanapin mo na kasi ang iyong asawa at nang hindi ka mahirapan sa pagtataguyod ng iyong mga anak.”
Kaya’t ganuon na lamang ang pagsusumikap ni Nida na makapagtapos ng pag-aaral sapagkat nais niya na matulungan ang kaniyang ina na mabago ang takbo ng kanilang buhay. Upang magkaroon ng dagdag na baon kung minsan ay naglalako rin si Nida ng mga meryenda sa kaniyang mga kaklase tulad ng pansit, prinitong bituka ng manok, shomay, malabon at marami pang-iba. Ang mga meryendang ito ay niluluto ni Aling Gondang bago pumasok sa paaralang kanyang pinagtuturuan.
Dumaan ang mga araw at lumipas ang panahon. Patuloy sa paglaki sina Nida at Dario kasabay nito ay ang paglaki ng kanilang pangangailangan at gastusin sa bahay nina Aling Gonda. Nagtutulungan parin ang mga mag-anak pero hindi parin talagamaiwasan ang kakulangan sa pangangailangan material nina Aling Gondang. Kaya dahil sa pagod sa pagtatatrabaho ay nagkaroon ng sakit si Aling Gondang na hindi malaman kung ano ito.
Malapit nang sumuko si Nida dahil sa pangyayaring iyon sa buhay nila dahil aniya ay puro nalang paghihirap ang kaniyang naranasan sa mundong ibabaw. Buti na lamang at sa kabila ng kawalan niya ng ama. ay nariyan ang kaniyang mga tiyo at tiya, lolo at lola at higit sa lahat ang diyos sa buhay niya. Ang mga iyon ang pinanghawakan ni Nida upang makapagpatuloy ang pag-inog ng kaniyang buhay.
Kaya sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ni Nida ay nakapagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas at nagging isang Certified Public Accountant na naghatid sa kanya sa tugatog ng tagumpay.
Hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik ang kanilang ama ni Nida at Dario ngunit kuntento na sila sa taong tumayo bilang ama at ina para sa kanila na walang iba kundi ang kanilang dakilang Ina.
-WAKAS-
ano pong mensahe o aral ng kwento?
ReplyDelete