Monday, August 22, 2011



Ang Alamat ng Rafflesia

             Sa kabundukan ng Candalaga, Maragusan, Compostela Valley  probisya sa Mindanao ay naninirahan ang mag-asawang Mang Carlo at Aling Ising. Sila ay may iisang anak na babae na nagngangalang Razel. Ang nag-iisana anak na ito nina Mang Carlo at Aling Ising ay sadyang sunod sa layaw dahil napakaluwang na bukirin na sinasaka ni Mang Carlo na pamana pa sa kanya ng kaniyang mga ninuno.
            Ang lahat ng gustong ipabili ni Razel ay nabibili niya. Lahat ng hilingin niya ay nakukuha niya. Sadyang napaka dali ng buhay para sa kanyang sapagkat walang ibang iniintindi si Razel. Maging ang pag-aaral ay hindi rin niya initindi.
            Ngunit sa kabila ng lahat ng karangyan na mayroon si Razel ay mayroon siyang isang bagay na masasabing salat siya. Ito ay ang atensyon ng kaniyang magulang sa kaniya. Kaya sa tuwing uuwi siya sa kanilang bahay ay wla siyang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa kaniyang ama at ina. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagpapapansin ay kadalasan itong bigo sapagkatr ang kaniyang mga magulang ay okupado ang oras lagi ng gawain sa kanilang mga negosyo. Lumaki si Razel sa tulong ng kanilang mga sakambahay.
            Sadyang napakabilis ng panahon kaya’t hindi namamalayan ng mga magulang ni Razel na siya ay isa nang mag-aaral sa sekondarya. Si buong pagkabata ni razel ay halos wala siyang matandaang mga sandali na matagal niyang nakasama ang kaniyang mga magulang na walang ibang initindi kundi siya lamang. Kaya si Razel ay lumaki na may kagaspangan sa pag-uugali. Mapangmata siya at matapobre.

            Kaya sa halip na tumulong mga nangangailangan ay iniinsulto niya ang mga mahihirap at kinadidirihan niya ang mga ito. Kaya sa kabila ng pagiging maganda ni Razel dahil siya ay nagtataglay ng napakagandang kutis at mahanbang buhok ay kinasusuklaman siya  ng kanyang mga kababayan sa nayon nila.
            Isang araw ay may isang matanda na lumapit sa kanya at humingi ng isang pirasong tinapay. Sa halip na ito ay bigyan niya ng pambili o alin mangpagkain ay itinulak niya ito at sinabing
            “ hindi ako nakiikipag-usap sa isang hampas lupa” sabay tulak sa nanghihinang matanda.
            Ang matandang iyon ay tumayo at nagwikang balang araw ikaw ay gagapang at lalayuan ng lahat dahil sa iyong tanglay na nakasusuklam na pag-uugali.
            Nagkaroon ng isang kamping ang iskul nila Razel at pinayagan siya na sumama sa kamping na it ng siya ay nagpaalam sa kaniyang mga magulang. Ang akala niya ay magiging masaya ang kaniyang karanasan sa kamping na iyon ngunit nagkamali siya dahil ito na pala ang pagsasakatuparan ng matandang babae na minsan niyan ipinahiya at itinulak sa harapan ng maraming tao.
            Naligaw si Razel sa loob ng kagubatan at nahulog sa isang bangin. Nabagok ang kaniyang ulo sa isang malaking bato. Hindi na nila nakita ang bangkay ni Razel bagkus ay nakakita na lamang sila ng isang napakagandang halaman na gumagapang at may napakalaking bulaklak. Ang bulaklak na ito ay sinlaki ng isang malaking batya. Ngunit sa kabila ng pagiging maganda nito dahil sa mayroon itong makikintab na kulay ito ay hindi masyadong nalapitan ng mga taong naghahanap kay Razel dahil ito ay nagtataglay ng nakasusulasok na amoy.
            Sinabi ng mga tao na si Razel nga ang bulaklak na iyon at pinaniwalaan nila na pinaruasahan siya ng dyosa ng kagubatan at ginawang isang halamang kinadidirihan. Kaya magmula noon ay pinangalanan nila ang halamang iyon ng Rafflesia hango sa pangalan ng isang may nakasusuklam na pag-uugali ito ay si Razel. Gayon paman ay naging halimbawa si Razel sa mga bata sa nayon upang hwag siyan tularan ng mga ito. 

- WAKAS -

No comments:

Post a Comment