Ang Alamat ng Duhat
Wagas ang pag-ibig ni Dudog at hatie sa isat-isa. Mula sa pagiging bata ay sila na ang matalik na magkaibigan at madalas na naglalaro. Subalit sa tuwing magiging masaya ang dalawa ay may palihim na nagagalit sa kasiyahan ng dalawa. Ngunit ang galit na ito ay lingid sa kaalaman ng dalawa. Kaya hindi nila alin tana ang lahat nang mga nangyayari sa paligid nila.
Dahil sa bilis ng panahon ay tumuntong na ang dalawa sa kolehiyo at duon ay nakatagpo ng mas maraming mga kaibigan. Subalit sa kabila ng maraming mga bagong kaibigan na nakilala ay hindi parin nila nakalimutan ang pag-ibig nila sa isat-isa. Ang pag-ibig ni Dudong at hatie ay patuloy na umusbong at lumawig hanggang sa naipagtapat na nila sa kanilang mga magulang ang nararamdaman nila sa isat-isa.
Dahil sa sila ay magkababata, hindi naging mahirap sa kanila ang pagkumbinsi sa kanilang mga magulang na sila ay ipakasal. Sa ilang panahon lamang ay naitakda na ang kasal ng dalawa.
Isang gabi ay nagabihan si hatie sa pag-uwi sa kanilang bahay. Isang babae ang sa kanya ay sumalubong at nagwikang :
“ Oras na ituloy ninyo ang inyong kasal ay hindi kau magiging masaya kundi ay pagsisisihan niyo na ginawa niyo ang bagay na ito.”
Ganuon na lamang ang takot ni Hatie sa babaeng iyon kaya;t siya ay tumakbo hanggang sa mawala ang babaeng iyon. Subalit napakalaking tanong kay Hatie kung bakit siya binalaan ng ganuon ng babaeng iyon.
Tinanung ni hatie si Dudong kung siya ba ay may inililihim sa kanya subalit wala masabi si Dudong. Kaya’t sa halip na magsisihan sa nangyari ay ipinagpatuloy na lamang nila ang kanilang kasal.
Kaagad na nagbuntis si Hatie at napakasaya nilang magasawa sapagkat ang lahat ay planado na nila. Bukod pa rito ay nakapag-ipon na rin sila sa kinabukasan ng kanilang magiging anak. Subalit isang pagkakamali ang kanilang inakala sapagkat ng gabing si Hatie ay manganganak na ay bila na lamang sumama ang panahon at tila may isang malakas na puwersa na nagmumula sa labas. Nagulat na lamang sila hatie at Dudong sa nakita ng nailuwal ang kaniyang anak. Ito ay hugis bilog walang paa at kamay tanging mukha lamang nito ang makikitang palatandaan upang sabihing ito ay tao. Napakaitim rin ng sanggol na ipinanganak ni Hatie. At ang nakalulungkot pa ay hindi nito kinayang mabuhay ng matagal. Ilang oras lamang ang itiagal niya at binawian na siya ng buhay.
Dahil sa kagustuhan ni dugong na wag kumalat sa kanilang nayon ang balita ay dalidali niya itong ibinaon sa gitna ng kagubatan.
Kinabukasan ay muli niyang pinuntahan ang lugar kung saan ay ibinaon niya ang paty na sanggol. Laking gulat na lamang niya dahil wala ng bakas ng hukay roon at may tumubong isang kakaibang puno sa lugar na iyon. Patuloy itong minasdan ni dudong hanggang sa ito ay namunga at isa itong napakaitim na bunga. Kaya’t pinangalanan nila itong duhat mula sa simula ng pangalan ng mag-asawa sapagkat sila ay naniniwalang ang kanilang anak ay ang punong iyon.
-WAKAS -
sno po may gawa neto?
ReplyDeleteBkit ayat ibinta n Doris Ang sanga ng hulong duhat
ReplyDelete