Ang alamat ng Pitaya
(Legend of Dragon Fruit)
Ni: Darhyl John B. Cacananta
Bario kung tawagin ang lugar nina Mang tasyo dahil sa kalayuan nito mula sa syudad. Ang mga bata sa paligid ay masaya kung sila ay nakakikita ng mga sasakyang ginagamitan ng motor sapagkat ang tanging sasakyan na kanilang nakikita ay ang mga sasakyang ginagamitan ng mga hayop tulad ng kalabaw, baka at kabayo upang ito ay makarating sa lugar na pupuntahan ng mga tao roon.
Ang buong paligid sa bario ni Mang Tasyo ay mahirap abutin ng matinding sikat ng araw dahil sa taglay ng kapal na mga dahon na nakakapit sa matitibay na sanga ng mga ng ibat-ibang uri ng punong kahoy. Kayat sagana ang buong paligid sa ibat-ibang uri ng gulay, bungang kahoy at iba pang mga pagkaing naaani.
Kung mayroon bagay na kapos ang lugar ni Mang tasyo ito ay ang sibilisasyon. At dahil sa kakulangan sa sibilisasyong ito ay maraming bagay ang hindi alam ng mga kababario ni Mang Tasyo tungkol sa mga pangyayari sa kanilang mga paligid. Kuntento na sila sa payak na paraan ng pamumuhay. Ito ay ang kumain ng tatlong beses sa maghapon, magtanim, umani at mamahinga. Sa mga gawaing ito lamang nakakulong ang buhay ng mga kababayan ni Mang Tasyo.
Sa kabila ng mga pagiging liblib nang lugar na iyon ay pinipilit parin silang marating nmga dayuhan dahil sa angkin kagandahan ng lugar na iyon. Maging ang mga produktong kanilang naibibigay sa mga kapitlista ay dahilan rin upang paminsan minsan ay magkaroon ng mga byahero sa kanilang lugar. Ang produkto tulad ng kamoteng kahoy, kamoteng gapang, mga gulay, prutas at uling ay ilan lamang sa produktong inaangkat sa kanilang lugar. Ngunit kung ang pag-uusapan naman ay ang mga tanawin na dinadayo ng mga dayuhan sa kanila ay ang mga matatarik na bundok at ang napakaraming mga puno na tila hindi mapapabagsak ng gaanoman kalakas na bagyo dahil sa napakalaki ng mga ito. Maliban sa mga nabanggit, ang mga natatagong kweba sa lugar na kinalalagyan ni Mang Tasyo ay isa sa mga kinasasabikang pasukin ng mga dayuhan. Dahil sa loob nito ay makakikita sila ng isang batis na may mainit na tubig at ang tubig na iyon ay pinaniniwalaang nakagagaling. Bird's nest soup din ay makukuha sa loob ng kweba kung saan ito ay isa sa gustong gustong kainin ng mga dayuhan.
Sa kabila ng dami ng mga dayuhan na pumaparoon ay dumarating rin ang panahon na halos walang mga dayuhan na pumaparoon sa lugar ni Mang Tomas. Kadalasan itong nagaganap kung ang panahon ay tag-ulan. Sa panahong ito ay kinakailangang mag-imbak ng maraming pagkain ang mga tao sa lugar ni Mang Tasyo dahil ito ang tangi nilang kakainin sa loon ng panahong ang bagyo ay nananalanta.
Dumating ang isang araw at dumating ang isang bagyong ganap na napakalakas dahil sa taglay nitong tubig at nakatatakot na lakas ng hangin. Ilang araw ang itinagal na nito sa bansang Pilipinas kaya’t ang mga alagang hayop at pananim ng mga tao sa lugar ni Mang Tasyo ay nangamatay. Halos wala na silang makain.
Bago paman dumating ang bagyo sa lugar ni Mang Tasyo ay may isang dayuhang Doktor na nagbakasyon sa lugar na iyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napilitan siyang manatili sa lugar na kaniyang kinalalagyan upang matilain ang nagngangalit na bagyo.
Dahil sa tagal ng bagyo bago umalis ay nagkaroon ng mga sakit ang mga tao sa lugar ni Mang Tasyo. Isang dalaga na nagngangalang Piya ang tumulong sa Doktor na iyon upang bigyang lunas ang mga karamdaman ng kaniyang kababayan.
Ngunit dahil sa malayo ito sa syudad ay hindi maabot ng mga opisyal ng gobyerno na naghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Kaya’t walang ibang magawa ang doctor at si Piya na lumaki sa lugar na iyon ang gamitin ang mga herbal na panlunas lamang upang mapagaling ang kanyang mga kababayan.
Nagsilbing bayani ang dalawa sa kanilang mga ginagawang pagpapagaling sa mga may sakit noong panahong iyon. Ngunit nakalulungkot isiping kasabay ng paglabas ng mga lahar na nagmumula sa bunganga ng Bulkang Pinatubo ay unti-unting tumabon ang lupa ng bundok sa bahay na kinalalagyan ng dalawa sa isang bahay. Sinubuhan ng mga taong bayan na sila ay iligtas din ngunit sadyang masungit ang panahon at patuloy na rumagasa ang lupa patungo sa bahay na kinalalagyan ng dalawang bayani at maging ng ilan sa mga may sakit.
Ganuon na lamang ang pasasalamat ng mga tao sa dalawa kaya’t parati nilang nilalagyan ng bulaklak ng mga halaman ang kinatabunan ng dalawa.
Sa paglipas ng panahon ay nakakita sila ng isang kakaibang halaman sa lugar na kanilang pinaglalagyan ng bulaklak. Isa itong halamang may tinik at pahaba. Naniwala sila na ang halamang iyon ay bunga ng dalawang bayani na nagligtas sa kanila muna sa kamatayan. Kaya’t bilang pasasalamat ay inalagaan nila ito. Hindi nagtagal ay namulaklak ito ngunit bumubuka lamang sa gabi at madaling masira ng ulan. Ang akala ng mga tao ay isa lamang itong halamang namumulaklak. Ngunit nagkamali ang lahat sapagkat mula sa bulaklak nito ay nagkaroon ng isang maliit na ubod at sa paglipas ng mga araw. Ang ubod na ito ay lumaki at nagging isang malaking bilog a tila isang koronang kulay pula. Sinubukan nila itong pitasin at hinati nila ito sa gitna. Nakita nila na ito ay may nakaiigayang kaanyuan sapagkat ito ay may mga baltik baltik na tila mga buto. Sinubukan nila itong kainin at nalaman nila na nakapagpapaganda ng pakiramdam.
Kaya’t ang paniniwala ng lahat sa lugar ni Mang Tasyo. Ang dalawang iyon ay sugo ng diyos upang sila ay iligtas sa kamatayan at mag-iwan ng isang biyaya na pahahalagahan nila sa tanan ng kanilang lahi. Ang halamang iyon ay ibinasi nila sa pangalan ng babaeng nakasama ng doctor sa pagpapagaling sa kanila si Piya. Kaya’t pinangalanan nila itong Pitaya.
WAKAS
No comments:
Post a Comment