Monday, August 22, 2011



Ang Alamat ng Okra

            Sa isang palasyo ay may anak ang hari na nagngangalang oka. Ang batang ito ay sadyang napaka sinungaling at napakapilyo. Ala siyang kasundo kahit na isaman sa mga alagad ng hari. Ang lahat sa kanya ay nanggagalaiti sa galit sapagkat ang mga ito ay nakaranas na nang kapilyohan ni Oka.
            Minsan ay nagkaroon ng sakit ang hari at ang lahat ay nag-alala sa kanyang sitwatsyon. Subalit ang batang si Oka ay walang pakialam at patuloy lamang sa paglalaro sa labas ng palasyo. Nagpatuloy si Oka sa paglalaro hanggang sa siya ay makarating sa gitna ng kagubatan. Sa kagubatan ay nakita niy si dyosa ng kagubatan kung saan ay matagal na siyang sinusubaybayan nito. Maging sa pang-araw-araw nitong gawain. Kinausap ng inkantada si Oka na kinakailangan niyang magbago sapagkat kung hindi siya magbabago ay parurusahan siya nito.
            Pagkasabi ng ingkantada ang salitang iyon ay bigla nalamang siyang naglaho at hindi malaman ni Oka kung saan ito nagpunta. Sakabi ng pananakot ng ingkantada kay Oka ay wala itong ginawa kundi nagpatuloy parin sa kanyang gawain.
            Ang mga araw ay lumipas at ang hari ay lumakas at nanumalik ang kaniyang kaniyang sigla. Subalit ganuon parin ang pag-uugali ni Oka. Isa parin siyang batang pilyo at sinungaling.
            Lingid sa kaalaman ni Oka ang ingkantada na kaniyang nakausap sa kagubatan ay ang kaniyang ama rin pala. Ito ay nagpanggap lamang na isang ingkantada upang takutin ang kaniyang anak subalit nagkamali siya sa kaniyang akala na magbabago nga ito.
            Kaya’t walang nagawa ang hari kundi ang patawan ito ng parusa. Ginawa ng hari si Oka na isang halamang gulay na may madulas at Makati. At tinawag niya itong Okra ang anak na hindi marunong magtanda at walang pagnanais na magbago.
WAKAS




Ang alamat ng Pitaya
(Legend of Dragon Fruit)
Ni: Darhyl John B. Cacananta

                Bario kung tawagin ang lugar nina Mang tasyo dahil sa kalayuan nito mula sa syudad. Ang mga bata sa paligid ay masaya kung sila ay nakakikita ng mga sasakyang ginagamitan ng motor sapagkat ang tanging sasakyan na kanilang nakikita ay ang mga sasakyang ginagamitan ng mga hayop tulad ng kalabaw, baka at kabayo upang ito ay makarating sa lugar na pupuntahan ng mga tao roon.
            Ang buong paligid sa bario ni Mang Tasyo ay mahirap abutin ng matinding sikat ng araw dahil sa taglay ng kapal na mga dahon na nakakapit sa matitibay na sanga ng mga ng ibat-ibang uri ng punong kahoy. Kayat sagana ang buong paligid sa ibat-ibang uri ng gulay, bungang kahoy at iba pang mga pagkaing naaani.
            Kung mayroon bagay na kapos ang lugar ni Mang tasyo ito ay ang sibilisasyon. At dahil sa kakulangan sa sibilisasyong ito ay maraming bagay ang hindi alam ng mga kababario ni Mang Tasyo tungkol sa mga pangyayari sa kanilang mga paligid. Kuntento na sila sa payak na paraan ng pamumuhay. Ito ay ang kumain ng tatlong beses sa maghapon, magtanim, umani at mamahinga. Sa mga gawaing ito lamang nakakulong ang buhay ng mga kababayan ni Mang Tasyo.
            Sa kabila ng mga pagiging liblib nang lugar na iyon ay pinipilit parin silang marating nmga dayuhan dahil sa angkin kagandahan ng lugar na iyon. Maging ang mga produktong kanilang naibibigay sa mga kapitlista ay dahilan rin upang paminsan minsan ay magkaroon ng mga byahero sa kanilang lugar. Ang produkto tulad ng kamoteng kahoy, kamoteng gapang, mga gulay, prutas at uling ay ilan lamang sa produktong inaangkat sa kanilang lugar. Ngunit kung ang pag-uusapan naman ay ang mga tanawin na dinadayo ng mga dayuhan sa kanila ay ang mga matatarik na bundok at ang napakaraming mga puno na tila hindi mapapabagsak ng gaanoman kalakas na bagyo dahil sa napakalaki ng mga ito. Maliban sa mga nabanggit, ang mga natatagong kweba sa lugar na kinalalagyan ni Mang Tasyo ay isa sa mga kinasasabikang pasukin ng mga dayuhan. Dahil sa loob nito ay makakikita sila ng isang batis na may mainit na tubig at ang tubig na iyon ay pinaniniwalaang nakagagaling. Bird's nest soup din ay makukuha sa loob ng kweba kung saan ito ay isa sa gustong gustong kainin ng mga dayuhan.
            Sa kabila ng dami ng mga dayuhan na pumaparoon ay dumarating rin ang panahon na halos walang mga dayuhan na pumaparoon sa lugar ni Mang Tomas. Kadalasan itong nagaganap  kung ang panahon ay tag-ulan. Sa panahong ito ay kinakailangang mag-imbak ng maraming pagkain ang mga tao sa lugar ni Mang Tasyo dahil ito ang tangi nilang kakainin sa loon ng panahong ang bagyo ay nananalanta.
            Dumating ang isang araw at dumating ang isang bagyong ganap na napakalakas dahil sa taglay nitong tubig at nakatatakot na lakas ng hangin. Ilang araw ang itinagal na nito sa bansang Pilipinas kaya’t ang mga alagang hayop at pananim ng mga tao sa lugar ni Mang Tasyo ay nangamatay. Halos wala na silang makain.
            Bago paman dumating ang bagyo sa lugar ni Mang Tasyo ay may isang dayuhang Doktor na nagbakasyon sa lugar na iyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napilitan siyang manatili sa lugar na kaniyang kinalalagyan upang matilain ang nagngangalit na bagyo.
            Dahil sa tagal ng bagyo bago umalis ay nagkaroon ng mga sakit ang mga tao sa lugar ni Mang Tasyo. Isang dalaga na nagngangalang Piya ang tumulong sa Doktor na iyon upang bigyang lunas ang mga karamdaman ng kaniyang kababayan.
            Ngunit dahil sa malayo ito sa syudad ay hindi maabot ng mga opisyal ng gobyerno na naghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Kaya’t walang ibang magawa ang doctor at si Piya na lumaki sa lugar na iyon ang gamitin ang mga herbal na panlunas lamang upang mapagaling ang kanyang mga kababayan.
            Nagsilbing bayani ang dalawa sa kanilang mga ginagawang pagpapagaling sa mga may sakit noong panahong iyon. Ngunit nakalulungkot isiping kasabay ng paglabas ng mga lahar na nagmumula sa bunganga ng Bulkang Pinatubo ay  unti-unting tumabon ang lupa ng bundok sa bahay na kinalalagyan ng dalawa sa isang bahay. Sinubuhan ng mga taong bayan na sila ay iligtas din ngunit sadyang masungit ang panahon at patuloy na rumagasa ang lupa patungo sa bahay na kinalalagyan ng dalawang bayani at maging ng ilan sa mga may sakit.
            Ganuon na lamang ang pasasalamat ng mga tao sa dalawa kaya’t parati nilang nilalagyan ng bulaklak ng mga halaman ang kinatabunan ng dalawa.
            Sa paglipas ng panahon ay nakakita sila ng isang kakaibang halaman sa lugar na kanilang pinaglalagyan ng bulaklak. Isa itong halamang may tinik at pahaba. Naniwala sila na ang halamang iyon ay bunga ng dalawang bayani na nagligtas sa kanila muna sa kamatayan. Kaya’t bilang pasasalamat ay inalagaan nila ito. Hindi nagtagal ay namulaklak ito ngunit bumubuka lamang sa gabi at madaling masira ng ulan. Ang akala ng mga tao ay isa lamang itong halamang namumulaklak. Ngunit nagkamali ang lahat sapagkat mula sa bulaklak nito ay nagkaroon ng isang maliit na ubod at sa paglipas ng mga araw. Ang ubod na ito ay lumaki at nagging isang malaking bilog a tila isang koronang kulay pula. Sinubukan nila itong pitasin at hinati nila ito sa gitna. Nakita nila na ito ay may nakaiigayang kaanyuan sapagkat ito ay may mga baltik baltik na tila mga buto. Sinubukan nila itong kainin at nalaman nila na nakapagpapaganda ng pakiramdam.
            Kaya’t ang paniniwala ng lahat sa lugar ni Mang Tasyo. Ang dalawang iyon ay sugo ng diyos upang sila ay iligtas sa kamatayan at mag-iwan ng isang biyaya na pahahalagahan nila sa tanan ng kanilang lahi. Ang halamang iyon ay ibinasi nila sa pangalan ng babaeng nakasama ng doctor sa pagpapagaling sa kanila si Piya. Kaya’t pinangalanan nila itong Pitaya. 

WAKAS


Ang Alamat ng Duhat

            Wagas ang pag-ibig ni Dudog at hatie sa isat-isa. Mula sa pagiging bata ay sila na ang matalik na magkaibigan at madalas na naglalaro. Subalit sa tuwing magiging masaya ang dalawa ay may palihim na nagagalit sa kasiyahan ng dalawa. Ngunit ang galit na ito ay lingid sa kaalaman ng dalawa. Kaya hindi nila alin tana ang lahat nang mga nangyayari sa paligid nila.
            Dahil sa bilis ng panahon ay tumuntong na ang dalawa sa kolehiyo at duon ay nakatagpo ng mas maraming mga kaibigan. Subalit sa kabila ng maraming mga bagong kaibigan na nakilala ay hindi parin nila nakalimutan ang pag-ibig nila sa isat-isa. Ang pag-ibig ni Dudong at hatie ay patuloy na umusbong at lumawig hanggang sa naipagtapat na nila sa kanilang mga magulang ang nararamdaman nila sa isat-isa.
            Dahil sa sila ay magkababata, hindi naging mahirap sa kanila ang pagkumbinsi sa kanilang mga magulang na sila ay ipakasal. Sa ilang panahon lamang ay naitakda na ang kasal ng dalawa.
            Isang gabi ay nagabihan si hatie sa pag-uwi sa kanilang bahay. Isang babae ang sa kanya ay sumalubong at nagwikang :
              Oras na ituloy ninyo ang inyong kasal ay hindi kau magiging masaya kundi ay pagsisisihan niyo na ginawa niyo ang bagay na ito.”
            Ganuon na lamang ang takot ni Hatie sa babaeng iyon kaya;t siya ay tumakbo hanggang sa mawala ang babaeng iyon. Subalit napakalaking tanong kay Hatie kung bakit siya binalaan ng ganuon ng babaeng iyon.
            Tinanung ni hatie si Dudong kung siya ba ay may inililihim sa kanya subalit wala masabi si Dudong.  Kaya’t sa halip na magsisihan sa nangyari ay ipinagpatuloy na lamang nila ang kanilang kasal.
            Kaagad na nagbuntis si Hatie at napakasaya nilang magasawa sapagkat ang lahat ay planado na nila. Bukod pa rito ay nakapag-ipon na rin sila sa kinabukasan ng kanilang magiging anak. Subalit isang pagkakamali ang kanilang inakala sapagkat ng gabing si Hatie ay manganganak na ay bila na lamang sumama ang panahon at tila may isang malakas na puwersa na nagmumula sa labas. Nagulat na lamang sila hatie at Dudong sa nakita ng nailuwal ang kaniyang anak. Ito ay hugis bilog walang paa at kamay tanging mukha lamang nito ang makikitang palatandaan upang sabihing ito ay tao. Napakaitim rin ng sanggol na ipinanganak ni Hatie. At ang nakalulungkot pa ay hindi nito kinayang mabuhay ng matagal. Ilang oras lamang ang itiagal niya at binawian na siya ng buhay.
            Dahil sa kagustuhan ni dugong na wag kumalat sa kanilang nayon ang balita ay dalidali niya itong ibinaon sa gitna ng kagubatan.
            Kinabukasan ay muli niyang pinuntahan ang lugar kung saan ay ibinaon niya ang paty na sanggol. Laking gulat na lamang niya dahil wala ng bakas ng hukay roon at may tumubong isang kakaibang puno sa lugar na iyon. Patuloy itong minasdan ni dudong hanggang sa ito ay namunga at isa itong napakaitim na bunga. Kaya’t pinangalanan nila itong duhat mula sa simula ng pangalan ng mag-asawa sapagkat sila ay naniniwalang ang kanilang anak ay ang punong iyon.
-WAKAS -


Ang Alamat ng Euporbia

            Si Leonora ay laking probinsiya. Siya ay pinalaki ng kanyang lolo at lola sapagkat maagang pumaay ang kaniyang mga magulang. Ang pagsasalaysay ng kaniyang lolo at lola ay namatay sa panganganak ang kaniyang Ina. Subalit ang kaniyang ama ay namatay naman dahil sa bisyo sapagkat hindi nito matanggap ang pagkamatay ng kaniyang asawa.
            Dahil dito ay lumaki si Lorna ng salat sa pagkalinga ng isang ama at ina. Ang tanging kumalinga kay lorna ay kaniyang lolo at lola lamang. Masipag ang lolo ni Lorna subalit hindi ito marunong tumanggi kapag siya ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan sa bukid na uminom ng tuba. Ang lola naman ni Lorna ay mahina rin dahil ito ay may sakit na hika.
            Isang hatinggabi, napakalakas ng ulan at nakatatakot ang kulog at kidlat muna sa kalangitan. Hindi pa dumarating ang lolo ni lorna. Nag-aalala na ang kaniyang lola sapagkat wala silang alam kung saan ito nakarating. Pinauna na nang lola ni Lorna na siya ay matulog. Subalit ang lolo ni lorna ay hindi pa dumarating kung kaya’t nagnais na sundan na nang lola ni lorna ang kaniyang lolo sa kabilang ibayo kung saan ay duon madalas na mapainom ang kaniyang lolo. Dahil duon ay nakatira ang matalik na kaibigan ng kanyang lolo.
            Natagpuan nga nangkaniyang lola ang kaniyang lolo sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan na nasa kabilang ibayo. Inabot sila ng madaling araw roon. Sa kanilang paguwi ay lasing na lasing na ang kaniyang lolo kaya’t hirap na hirap ang lola ni Leonora na akayin ang kaniyang lolo pauwi. Sa kanilang pag-uwi ay kinakailangan nilang tumawid sa ilog. Ang ilog na iyon ay sadyang napakaluwang at maagos dahil sa naipon ang mga tubig rito dulot ng malakas na ulan. Sa pagtuwid ng lolo at lola ni Leonora sa ilog ay nadulas ang kaniyang lolo at nabagok ang ulo nito sa isang napakalaking bato samantalang ang kaniyang lola naman dulot ng katandaan ay nalisya ang kaliwang buto ng kaniyang paa kaya’t ito ay napaupo at natangay ng malakas na agos ng tubig kaya’t kapwa namatay ang lolo at lola ni Leonora.
            Sa bahay kung saan ay mahinbing na natutulog si Leonora ay may isang lalaki pala na matagal ng nagmamatyag sa kanya dahil ito ay may lihim na pagtingin at pagnanasa sa dalaga. Nang gabing iyon ay nakita niya na walang kasama si leonara a bahay na iyon kaya’t sinamantala ito ng lalaki. Ginahasa niya si Leonora at iniwang walag malay. Pagkagising ni Leonora ay wala na siyang saplot at duon ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin sa oras na malaman ng kaniyang lolo at lola ang nangyari sa kaniya kaya’t kumuha siya ng isang matalim na kutsilyo sa kanilang kusina at binawian niya ng buhay ang kaniyang sarili.
            Hindi naglaon ay nalaman ng kapit bahay ni Leonora na walang tao sa bahay nila. Ganuoon na lamang ang kanilang pagtataka kaya’t ninais nila na siyasatin ang bahay. Nabigla na lamang sila na nruon ang bangkay ni Leonora sa sala at nakahandusay. Alam nila na ito ay ginahasa sapagkat wala itong saplot.inilibing nila ang bangkay ni Leonora sa tabi ng kanilang bahay.
            Pagkalipas ng mga araw ay nabigla sila sa kanilang nakita sapagkat may tumubong isang kakaibang halaman sa puntod ng dalaga. Ito ay isang halaman na wala pang nakakikita kahit sino. Isang halamang may tinik at lumuluha sa tuwing sasaktan. Pinaniwalaan nila na ito ay si Leonora kaya’t pinangalanan nila itong euporbia.
-          WAKAS - 


Ang Alamat ng Rafflesia

             Sa kabundukan ng Candalaga, Maragusan, Compostela Valley  probisya sa Mindanao ay naninirahan ang mag-asawang Mang Carlo at Aling Ising. Sila ay may iisang anak na babae na nagngangalang Razel. Ang nag-iisana anak na ito nina Mang Carlo at Aling Ising ay sadyang sunod sa layaw dahil napakaluwang na bukirin na sinasaka ni Mang Carlo na pamana pa sa kanya ng kaniyang mga ninuno.
            Ang lahat ng gustong ipabili ni Razel ay nabibili niya. Lahat ng hilingin niya ay nakukuha niya. Sadyang napaka dali ng buhay para sa kanyang sapagkat walang ibang iniintindi si Razel. Maging ang pag-aaral ay hindi rin niya initindi.
            Ngunit sa kabila ng lahat ng karangyan na mayroon si Razel ay mayroon siyang isang bagay na masasabing salat siya. Ito ay ang atensyon ng kaniyang magulang sa kaniya. Kaya sa tuwing uuwi siya sa kanilang bahay ay wla siyang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa kaniyang ama at ina. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagpapapansin ay kadalasan itong bigo sapagkatr ang kaniyang mga magulang ay okupado ang oras lagi ng gawain sa kanilang mga negosyo. Lumaki si Razel sa tulong ng kanilang mga sakambahay.
            Sadyang napakabilis ng panahon kaya’t hindi namamalayan ng mga magulang ni Razel na siya ay isa nang mag-aaral sa sekondarya. Si buong pagkabata ni razel ay halos wala siyang matandaang mga sandali na matagal niyang nakasama ang kaniyang mga magulang na walang ibang initindi kundi siya lamang. Kaya si Razel ay lumaki na may kagaspangan sa pag-uugali. Mapangmata siya at matapobre.

            Kaya sa halip na tumulong mga nangangailangan ay iniinsulto niya ang mga mahihirap at kinadidirihan niya ang mga ito. Kaya sa kabila ng pagiging maganda ni Razel dahil siya ay nagtataglay ng napakagandang kutis at mahanbang buhok ay kinasusuklaman siya  ng kanyang mga kababayan sa nayon nila.
            Isang araw ay may isang matanda na lumapit sa kanya at humingi ng isang pirasong tinapay. Sa halip na ito ay bigyan niya ng pambili o alin mangpagkain ay itinulak niya ito at sinabing
            “ hindi ako nakiikipag-usap sa isang hampas lupa” sabay tulak sa nanghihinang matanda.
            Ang matandang iyon ay tumayo at nagwikang balang araw ikaw ay gagapang at lalayuan ng lahat dahil sa iyong tanglay na nakasusuklam na pag-uugali.
            Nagkaroon ng isang kamping ang iskul nila Razel at pinayagan siya na sumama sa kamping na it ng siya ay nagpaalam sa kaniyang mga magulang. Ang akala niya ay magiging masaya ang kaniyang karanasan sa kamping na iyon ngunit nagkamali siya dahil ito na pala ang pagsasakatuparan ng matandang babae na minsan niyan ipinahiya at itinulak sa harapan ng maraming tao.
            Naligaw si Razel sa loob ng kagubatan at nahulog sa isang bangin. Nabagok ang kaniyang ulo sa isang malaking bato. Hindi na nila nakita ang bangkay ni Razel bagkus ay nakakita na lamang sila ng isang napakagandang halaman na gumagapang at may napakalaking bulaklak. Ang bulaklak na ito ay sinlaki ng isang malaking batya. Ngunit sa kabila ng pagiging maganda nito dahil sa mayroon itong makikintab na kulay ito ay hindi masyadong nalapitan ng mga taong naghahanap kay Razel dahil ito ay nagtataglay ng nakasusulasok na amoy.
            Sinabi ng mga tao na si Razel nga ang bulaklak na iyon at pinaniwalaan nila na pinaruasahan siya ng dyosa ng kagubatan at ginawang isang halamang kinadidirihan. Kaya magmula noon ay pinangalanan nila ang halamang iyon ng Rafflesia hango sa pangalan ng isang may nakasusuklam na pag-uugali ito ay si Razel. Gayon paman ay naging halimbawa si Razel sa mga bata sa nayon upang hwag siyan tularan ng mga ito. 

- WAKAS -